top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mala-siopao daw, mukha pang lalaki... BEA, HIYANG-HIYANG IPAKITA ANG MGA PIKTYUR NG KATABAAN

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 16, 2020
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 16, 2020




Aktibung-aktibo ngayon sa pagba-vlog si Bea Alonzo at ang dami-dami niyang naise-share sa kanyang mga YouTube followers.


Sa isa niyang vlog ay ipinakita ni Bea ang ilan sa kanyang mga throwback photos noong bata pa siya. Nakakatuwa na pinagtatawanan niya ang kanyang hitsura ngayon dahil mukha daw siyang lalaki. At noong bagets na siya ay para naman siopao ang kanyang mukha dahil sa mabibilog niyang pisngi. Halos ayaw niyang ipakita ang kanyang mga photos.


Pero nang magdalaga na at nag-artista ay lumutang ang classic beauty ni Bea kaya pang-leading lady ang build-up sa kanya.


So far, naging bankable star naman si Bea Alonzo dahil sa love team nila ni John Lloyd Cruz.


Samantala, dahil sa lockdown ay nagkaroon ng oras si Bea na tuklasin ang iba pa niyang talents/skills. Mahilig siyang mag-paint pero hindi niya sineryoso dahil sa kanyang hectic schedule.


Ngayon na nahinto pansamantala ang mga teyping at shooting ay marami nang oras si Bea na harapin ang pagpipinta.


Hilig din niya ang pagtatanim kaya kakaririn na niya ang pagiging plantita!


It seems super enjoy din si Bea sa pagba-vlog kaya nakakaisip ng iba't ibang contents para sa kanyang YouTube channel, ang Bea Does!


Dito rin makikilala ng kanyang mga fans ang tunay na pag-uugali niya behind the camera.


Ang inaabangan ng lahat ay malaman ang status ng love life niya ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page