top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Mala-Lea at Maricel daw ang aura… VICE, KINATATAKUTANG LAPITAN NG MGA FANS

Writer: BULGAR
BULGAR
18 minutes ago
3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 10, 2026



TEKA NGA - VICE, KINATATAKUTANG LAPITAN NG MGA FANS-IG _praybeytbenjamin

Photo: IG _praybeytbenjamin



Alam kaya ni Vice Ganda na maraming fans ang nag-aalangang lumapit sa kanya kapag nakikita siya sa mga events o kahit saang okasyon? 


Oo nga’t masang-masa ang kanyang appeal kaya pinanonood ng marami ang It’s Showtime (IS), at pati ang mga pelikula niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ay pinipilahan kaya box-office, pero maraming fans ang nagsasabing nai-intimidate sila kay Vice.


Tulad na lang nang pumunta siya sa huling lamay ng mom ni Jackie Gonzaga sa Haven of Angels Memorial Chapel and Crematorium, ang dami-daming fans na naghihintay sa kanya sa labas. Naroroon din si Ryan Bang at ibang dancers ng IS.


Nang paalis na si VG ay maraming bumati at nagsunuran sa kanyang fans. Gustung-gusto sana ng mga ito na magpa-picture, pero hindi sila nag-attempt na magsabi. Feeling daw kasi nila ay ang hirap-hirap nang abutin ni Vice at hindi sila mapagbibigyan.


Kung tutuusin, minimal lang naman ang mga kasamang bodyguards ni Vice kapag pumupunta sa mga events. Wala siyang ‘hawi boys’ na nakabakod sa kanya. 


Pero may certain aura raw kasi ito na kahit hindi siya nagsasalita ay may ‘off-limits’ sign. 

Ganito rin ang taglay na aura nina Lea Salonga at Maricel Soriano kaya natatakot na lumapit at magpa-picture sa kanila ang mga fans.


Well, ang gusto lang naman ng mga fans ay makamayan si VG at makapagpa-picture. Utang naman ni Vice Ganda sa mga fans ang tinatamasa niyang kasikatan ngayon.





Sori sa mga pulitiko na nasasapawan…  

IVANA, WA’ PAKI SA MGA BASHERS, TULOY SA PAGTULONG SA MGA BINAHA



MAY ilang sektor ang nag-react at pumuna sa ginawang pamimigay ng ayuda ni Ivana Alawi noong panahong maraming binaha sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan. 


Sa gitna ng baha ay lumusong ang aktres-vlogger upang mamigay ng tulong sa mga nangangailangan. Marami ang nagpasalamat sa kanyang ginawa.


Pero may ilang grupo ng kritiko ang nagsabing dapat ay ipaubaya na lang ni Ivana sa gobyerno ang pagtulong sa mga binaha. Huwag na niyang agawan ng trabaho ang mga opisyal ng siyudad at mga lalawigan.


Katwiran naman ni Ivana, sa sarili niyang platform niya inilalabas ang pagtulong at sarili niyang pera ang kanyang ginagamit. Bakit pa kailangan na hintayin ang go signal ng gobyerno bago siya tumulong sa kapwa?


Wala namang political ambition si Ivana. Sinsero ang kanyang pagtulong sa kapwa. Ilang taon na niyang ginagawa ang kanyang charity work, lalo na noong may COVID pandemic.


Walang balak si Ivana na sapawan o agawan ng kredito ang sinumang kandidato sa kanyang pagtulong sa mga binaha. Naaawa lang siya kaya gusto niyang mag-share ng blessings sa mga nangangailangan.





Puring-puri ng mga co-actors… 

GABBI, PROUD GF KAY KHALIL



PROUD girlfriend si Gabbi Garcia kay Khalil Ramos dahil sa naririnig niyang papuri mula sa mga kasamahan nilang artista.


Unang-una nga na nagbigay ng pahayag ay si Barbie Forteza na nakapareha ng BF niya sa pelikulang Saving Cherry (SC)


“Perfect leading man” ang papuri ng aktres kay Khalil. Very professional din daw sa trabaho ang aktor, at seryoso sa trabaho pagdating sa set.


Maging ang Megastar na si Sharon Cuneta ay pinuri rin ang aktor na nakatrabaho niya sa seryeng Honor Thy Mother (HTM). Importante kay Mega na professional sa trabaho ang mga artistang nakakasama niya sa project. Ang attitude ang unang napapansin niya sa kanyang mga co-stars, kaya naman pasado sa kanya si Khalil.


Ang katangiang ito ng aktor ay malaking plus factor sa kanyang career. Tiyak na lagi na siyang kukunin ng mga producers at directors sa susunod nilang project.


Parehong naging inspirasyon nina Gabbi at Khalil ang isa’t isa kaya pinagbubuti nila ang pag-arte. 


Si Gabbi ay nahasa naman sa pagho-host ng show. Isa siyang journey host sa The Voice Kids (TVK) ng GMA-7.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page