Mala-Barbie na dati, lumaki ngayon… ILONG NI LISA NG BLACKPINK, IPINARETOKE, SABLAY
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Alicia Abarnas (OJT) @Special Article | July 8, 2026

Photo: Lisa of BlackPink - IG
Usap-usapan ngayon ang tila nagbagong hitsura ng ilong ng global superstar na si Lisa Manoban ng Blackpink pagkatapos mapansin ng mga netizens at Blinks na mas lumaki at bumalik sa natural nitong Thai feature ang dati’y maliit at "Barbie-style" na ilong ng K-pop idol.
Sa mga naglalabasang reaksiyon, hayagang sinabi ng isang Blinks na mukhang naging pango at mas lumaki ang ilong ng dalaga na tila malayo sa inaasahang resulta ng operasyon, habang dismayado naman ang iba sa matinding pressure sa industriya kung saan tila kailangang baguhin ng mga artista ang kanilang mukha kada dalawang taon para lang sumabay sa bagong uso.
Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din kay Lisa at naghinalang baka hindi ito para sa porma kundi isang medikal na reconstruction dahil sa problema sa paghinga, lalo pa't napansin ng marami na tila madalang na itong humataw sa pagsasayaw sa kanyang solo career kamakailan.
Narito ang ilan sa mga international comments:
“Doesn’t it make her nose look larger and more bulbous? I can’t imagine that was the desired outcome. Either way, she looked better with her previous nose job.”
“Lisa’s Barbie-style nose job was really small before, so I wonder if this was more of a necessary reconstruction due to breathing difficulties or something.
“Honestly, it would make a lot of sense considering she has faced some criticism lately for not focusing as much on dancing in her solo career. It always seemed like a strange choice to me that she wouldn’t try to highlight one of her main strengths when going solo.
“I think it’s also just hard for me to imagine she did this for purely aesthetic purposes, considering it seems to be very against the 'ideal' nose—especially in East Asia and Korea—to purposely make your nose larger like this.”
Minor pa raw ang kabit ng ex-mister…
JELAI, IBINULGAR NA NABUNTIS NI KING BADGER ANG VIVA STAR NA SI YUMI GARCIA
Nagwakas na ang bangungot!
Kumpirmadong opisyal nang annulled ang kasal ng vlogger-aktres na si Jelai Andres at ni Jon “King Badger” Gutierrez.
Pero bago tuluyang lumaya, isang pasabog na rebelasyon ang binitawan ni Jelai sa kanyang YouTube video na siguradong ikaluluwa ng mata ng mga Marites.
Inamin ni Jelai na nabuntis umano ni King Badger ang dati nitong menor-de-edad na kabit na ngayo’y Viva artist na si Yumi Garcia — at nangyari ito noong kasal at nagsasama pa sila.
Ang matindi pa, may eksena pa raw na dinala ni Jon ang batang bunga ng kasalanan nito.
Umuusok naman sa galit ang mga netizens sa kakapalan ng mukha ng dating asawa ng aktres.
Buwelta ng isang tagahanga: "Magpasalamat sila at mabuting tao si Jelai. At sa kabit ni King Badger, huwag ka magdiwang! Sa papel lang naalis ang pagiging kabit mo pero sa paningin namin, kabit ka pa rin, pwe!"
Ouch!
BUMAHA ng parangal para sa mga naglalakihang bituin sa katatapos lang na 9th Eddys (Entertainment Editors’ Choice).
Wagi bilang Best Supporting Actor ang bagitong aktor na si Will Ashley para sa Bar Boys: After School, katabla ang singer-actor na si Rico Blanco.
Nag-uwi rin ng parangal ang Sexbomb leader na si Rochelle Pangilinan bilang Best Supporting Actress para sa kanyang natatanging pagganap sa Child No. 82.
Sa labis na tuwa, napasigaw si Rochelle sa kanyang Instagram post ng: “OMG! Nanalo ako!”
Aniya, isang napakalaking karangalan ang masungkit ang tropeo kalaban ang iba pang mahuhusay na nominado.
Ang The Eddys ay taunang parangal na binubuo ng mga entertainment editors at journalists sa bansa para kilalanin ang mga pinakamahuhusay na obra at pagganap sa Philippine cinema.





Comments