top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Makalipas ang isang taon, balik-lockdown pa rin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2021
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 30, 2021



SANGKATERBANG ITINALAGANG CZAR NI P-DUTERTE, PALPAK!—Nag-start na kahapon ang balik-lockdown sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna at ito ay tatagal hanggang April 4, 2021, at kung sakaling hindi pa rin makontrol ang dami ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa ay posibleng palawigin pa ito.


Mantakin ninyong kayraming ginawang czar si P-Duterte, may vaccine czar, contact tracer czar, isolation czar, testing czar, treatment czar, tapos makalipas ang isang taon, ang bagsak din pala ay balik-lockdown! Palpak sa laban kontra COVID-19 ang sangkaterbang czar na ‘yan, buwisit!


◘◘◘


KUNG SA IBANG BANSA, NAGLULUWAG NA, BALIK-PAGHIHIGPIT NA NAMAN SA ‘PINAS—Nang mag-umpisang manalasa sa Wuhan, China ang coronavirus ay agad nag-travel ban ang ibang bansa sa China, pero sa Pilipinas ay hindi agad ito ginawa ng pangulo dahil baka ma-hurt ang mga taga-China.


Kaya ang resulta, makalipas angisang taon, ang ibang bansa ay nagsasagawa na ng pagbabakuna at nagluwag na sa kanilang mamamayan. Samantalang sa Pilipinas, balik-lockdown at balik-paghihigpit na naman sa mamamayan, period!


◘◘◘


DAPAT EXPLAIN NI ROQUE KUNG BAKIT SA UNANG PICTURE PINALALABAS NA WALANG HANDA SI P-DUTERTE SA KANYANG BIRTHDAY, MERON NAMAN PALA—Todo-depensa si Presidential spokesman Harry Roque at sinabihang “utak-talangka” ang mga bumabatikos kay P-Duterte porke may handa ang pangulo sa kanyang birthday.


Hay naku, imbes na ipaliwanag kung bakit pinalalabas ng kampo ni P-Duterte na wala siyang handa sa kanyang birthday, gayung meron naman pala, mantakin ninyong sabihan pa ni Roque ang mga nagoyo sa isyung ito na mga “utak-talangka”, tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page