top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Makalait daw kay Bato, wagas! RESBAK NG MADLANG PIPOL: IKAW, GRETCHEN, SA'N BA GALING ANG YAMAN MO?

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2022
2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 1, 2022




Excited ang mga netizens sa 'online sabong' na nagaganap ngayon sa aktres na si Gretchen Barretto at sa dating PNP chief na si Sen. Bato dela Rosa na nag-ugat sa imbestigasyon ng Senado sa nawawalang 34 sabungero.


Hindi nagustuhan ni Gretchen ang pagtatanong ni Bato sa business partner niyang si Atong Ang na may-ari ng kumpanyang nagpapatakbo sa E-sabong.


Kaya naman, pinuna ni La Greta hindi lang ang pagtatanong ni Bato kundi pati ang suot nitong relo na mukhang mamahalin. Ibinulgar din ni Gretchen na tumatalpak din si Bato.


Sumagot naman si Bato sa interview sa kanya ng SMNI News at itinangging tumataya siya sa sabong. Never pa raw sa buong buhay niya.


Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa word war nina La Greta at Sen. Bato.

"Haiz ito na naman si Iyak boy."


"Walang masama kung imbestigahan si Atong Ang. Let them do their work. Kung walang itinatago, huwag defensive. Pati relo ni Bato, idinamay, eh, sabong ang pinag-uusapan."


"There's something about Greta na kapag siya ang nagsalita, totoo 'yun, may hinahawakan siyang evidence. And ikaw Bato, 'wag ka na mag-side comment kay Greta, mas madami siyang connections kesa sa 'yo."


"Anong evidence? Na nagsasabong si Senator? There's nothing wrong with that. Para imbestigahan ang sabong, tama 'yun, pero 'yung insultuhin si Bato para itigil ang investigation is so wrong."


"The senator may not have the excellent way of questioning but one thing's for sure. He is doing his job and that is investigating the missing sabungeros who are all connected with their E-sabong biz. Now, kung wala namang itinatago sina Gretchen, bakit sya kabado and resorting to insulting?"


Sey naman ng isang netizen, "Kahit 'yung relo, pinakialaman, as if walang pambili ang mga senators? Eh, kung sa kanya kaya ibalik ang tanong on how she had gotten her wealth, everyone knows hindi sya self-made."


"Sarap manood 'pag DDS vs. DDS naglalaban."


Sagot ng isa pa, "True. Sarap ipagsabong sina Bato and Gretchen. Exciting! "

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page