Makalaglag-panty daw ang kapogian… BAGONG TIKTOK VIDEO NI JOSHUA, 11 M VIEWS AGAD
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 26, 2022

Pinatunayang muli ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa kanyang bagong dance video that he is indeed the hottest actor on TikTok. Ilang oras pa lang kasing naka-upload sa Tiktok ang kanyang dance video ay umabot na agad ito sa 11M views.
Ewan kung na-miss nang husto ng mga netizens na may mapanood na video mula kay Joshua sa TikTok o sadyang kinilig lang sila sa dance moves ng love interest ng bagong superhero na si Jane de Leon sa Darna: The Series.
It’s been a while since huling napanood ang video ni Joshua sa TikTok na umabot din ng ilang milyong views, ha?
Ngayon lang marahil nagkaroon ng time ulit si Joshua na magpasiklab ng kanyang dance moves sa TikTok. Siyempre, na-busy sa shoot ng Darna kung saan ang direktor ay si Chito Roño. And according to a source, tapos na raw i-shoot lahat ng mga eksena sa Darna: The Series.
Anyway, kalurky ang comment ng netizens sa bagong video ni Joshua sa TikTok. Marami ang naseseksihan sa video ng aktor kahit hindi naman siya naka-topless gaya ng nakalagay na piktyur niya sa ‘poster’ ng Darna: The Series.
“Ang guwapo naman po."
"Grabe naman yern! Welcome back po dito, HAHAHA."
"Makalaglag-panty talaga ang kaguwapuhan mo, Joshua... ILY.."
Talaga ba?!





Comments