top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Makaiwas lang sa tanong sa anak nila ni AJ… ALJUR, SAKIT-SAKITAN TUWING MAY PRESSCON NG MOVIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 12, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | June 12, 2023



Napapansin ng mga kasamahan namin sa panulat na sa tuwing may presscon o promo si Aljur Abrenica para sa mga pelikula niya ay lagi siyang maysakit.


Kuwento ng aming source na talagang gusto niyang ipasulat, “Lagi siyang may sakit. Tulad ng pelikulang Pula ang Kulay ng Gabi ng AQ Prime Stream, tinanggap niya, tapos hindi niya sinipot ang presscon at premiere night kasi biglang may sakit daw.


“Ginawa na naman niya sa presscon ng The Revelations with Vin Abrenica at Ana Jalandoni, sabi pupunta, pero biglang may sakit sa oras ng presscon.”


Biniro namin ang aming kausap na baka matuluyan na siya sa sakit niya dahil lagi niya itong alibi.


“Tanggap lang nang tanggap ng trabaho, tapos hindi tumutulong sa producer para sa promo ng pelikula niya,” diin pa ng aming source.


Pakiwari namin ay sinasadya talaga ng aktor na hindi dumalo sa mga presscon kasi may mga tanong siyang iniiwasan mula sa media at alam naman natin kung tungkol saan ito, ang sinasabing pagkakaroon nila ng anak ni AJ Raval.


“Akala niya naman, hindi mahahalata na iniiwasan niya kapag promo na,” sabi pa ng aming kausap.


Muli naming tinanong ang aming source dahil ang alam namin, dapat ay may kontrata na kailangang dumalo ang artista sa presscon at premiere night, pati na rin sa mga promo guestings.


“Dapat meron, unless ‘di na ganu’n kaimportante sa producer na maglagay ng ganu’n,” sagot sa amin.


Balik-tanong namin, sino ba ang producer ng huling proyekto ng aktor?


“Mga ‘da who,’” kaswal na sagot sa amin.


Sa madaling salita, baguhan sa industriya ang producer o mga producers at hindi ito natalakay sa meeting nila sa mga artista. Pero kung pumayag naman na tutulong sa promo ay puwede itong balikan ng namuhunan.


Binanggit sa amin ang mga pangalan ng producers at hindi nga rin namin kilala.


Sana, ‘yung mga artista, alam naman nilang hindi madali ang mag-produce ng pelikula dahil malaking sugal ito sa parte ng namuhunan na hindi alam kung maibabalik ang inilabas nilang pera, lalo na sa panahon ngayon na hindi kumikita ang mga local movies, makisama sila dahil kapag kumita naman ang mga pelikula ay siguradong tuluy-tuloy ang hanapbuhay nilang mga artista.


Sa kaso ni Aljur, hindi naman siya kagalingang umarte, dapat nga ay magpasalamat siya dahil may mga offers pa rin sa kanya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page