top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Makahakot lang ng boto para kay Pacquiao… JINKEE, BINANATAN SI IMELDA MARCOS, NEVER DAW GAGAYAHIN

  • BULGAR
  • Mar 12, 2022
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 12, 2022



Hindi nagustuhan ng marami ang binitiwang statement ni Jinkee Pacquiao sa isa sa mga campaign rallies ng kanyang mister na si Manny Pacquiao na sinamahan niya.


Shocked ang mga nakarinig dahil hindi nila akalain na masasabi ito ni Jinkee para lang makakuha ng boto si Manny na tumatakbo ngayon sa pagka-pangulo.

Nakapag-isip-isip kaya si Jinkee bago niya binitiwan ang ganu'n kadelikadong pahayag?

Tiyak na magre-react ang libu-libong kababayan ni Imelda Marcos, ganu'n din ang mga Marcos loyalists.


Alam kaya ni Jinkee Pacquiao na noong panahon na First Lady si Imelda Marcos ay marami siyang projects na kapaki-pakinabang tulad ng pagpapatayo ng Cultural Center of the Philippines, ang pagpapaganda sa Luneta Park, ang Green revolution sa mga barangay, Folk Arts Theater, at ang pagbibigay ng pondo sa mga pelikulang Pinoy na lumalaban sa international competition?


At sa panahon ni Imelda Marcos bilang First Lady, naidaos sa 'Pinas ang Ms. Universe beauty pageant kaya sumikat at nakilala ang ating bansa.


Siguro, ang image lang ni Imelda Marcos na tumatak sa isip ni Jinkee Pacquiao ay 'yung collection ng 100 pairs of shoes ng dating First Lady na ginawang malaking issue ng mga kalaban.


Sey pa ni Jinkee, marami na siyang branded shoes ngayon kaya hindi na niya tutularan si Madam Imelda Marcos. Pati sa mga alahas, marami na rin siya sa kanyang collection.


Well, abang-abang na lang si Jinkee sa mga bashers dahil tiyak na hindi ito palalampasin ng mga supporters ni Imelda Romualdez Marcos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page