Majority, hinudas… SEN. CHIZ, HIHIWALAYAN DAW NI HEART ‘PAG ‘DI SUMAMA SA MINORITY
- BULGAR

- 2 hours ago
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | June 5, 2026

Photo: IG _iamhearte
Halu-halo ang mga reaksiyon sa pagsama ni Sen. Chiz Escudero sa minority bloc sa Senado na mula sa majority group. May bumilib sa senador at meron ding nang-bash at tinawag pa nga siyang “hudas”.
Hindi kasi kumbinsido ang publiko sa tunay na intensiyon ni Sen. Chiz sa paglitaw niya sa Senado last Wednesday. Ang iba naman ay ikine-credit sa misis nitong si Heart Evangelista ang pagdating ni Sen. Chiz sa Senado kasama ang minority bloc.
Sey ng mga netizens…
“Baka nga hihiwalayan ni Heart. Nevertheless, appreciate him sliding with the light much-needed attendance and vote.”
“Agree, baka hihiwalayan na ni Heart.”
Nagmula ang comment ng netizen sa statement ni Sen. Chiz na ginawa niya ang tamang desisyon pagkatapos niyang makipag-usap sa kanyang pamilya.
At least, may sey pa rin si Heart Evangelista sa mga desisyon ng kanyang mister, especially sa political career ni Sen. Chiz Escudero.
Ang chizy (cheesy) naman talaga ng mag-asawa, ‘di ba?
Anyway, ang dami-daming ganap sa Senado. Until now, may kaguluhan pa rin. ‘Kalokah!
TODO-TUKAAN sina Coco Martin at Julia Montes sa shoot ng pictorial para sa poster ng bagong Kapamilya action-serye na Sigabo.
Puna ng mga netizens, tila napakakaswal na kina Coco at Julia ang mag-kiss, o sadyang inilalantad na nila nang todo ang kanilang relasyon.
At the same time, sina Coco at Julia rin kasi ang producer ng Sigabo, kaya todo-bigay sila para sa promo ng malapit nang ipalabas na bagong teleserye.
Ask tuloy ng mga Mosang kung aamin sina Coco at Julia sa napabalitang anak daw nila, not just one, not two, but three!
Samantala, muling mapapanood gabi-gabi sa telebisyon si Coco, ang tinaguriang ‘Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon’ together with Primetime Actress Julia Montes, simula sa Hunyo 22 (Lunes).
Ang inaabangang ABS-CBN series ay mula sa orihinal na konsepto ni Coco Martin, kasunod ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino na pinagbidahan niya tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano (AP) at FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Siksik sa aksyon, kilig, at katatawanan na puno ng mahahalagang aral ang masusubaybayan ng mga manonood sa Sigabo gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok (TT) o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.





Comments