MAJA, NAGTAYO NG SARILING TALENT MANAGEMENT COMPANY, WRONG TIMING
Erlinida Rapadas - @Teka Nga! | March 22, 2021

Umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizens ang ginawa ni Maja Salvador na pagtatatag ng sariling talent management company, ang Crown Artist Management.
Kasama niya sa pagbuo sa kumpanyang ito ang BF niyang si Rambo Nuñez na may sarili ring events company at ilang kaibigang bihasa sa linya ng booking ng mga shows at concerts.
Hindi lang mga aspiring movie stars, singers at performers ang ima-manage ng Crown Artist Management. Kahit ang mga celebrity vloggers at influencers ay kanila ring iha-handle.
Bago nagtatag ng sariling talent management ay humingi muna ng advise si Maja kay Mr. M (Johnny Manahan) at sa ilang dating big bosses ng ABS-CBN.
Magaan ang feeling ni Maja nang magdesisyon siyang itayo ang Crown Artist Management at matagal din niyang pinag-isipan ito.
Sa tagal niya sa showbiz, more or less ay may ideya naman siya kung papaano ang ginagawang pagbi-build-up sa mga future stars.
Pero sabi ng ilang netizens, mukhang wrong timing si Maja sa big project niyang ito. Nataon na may pandemya pa at limitado ang kilos ng mga tao. Walang shows at concerts at sarado pa ang mga sinehan.
Hindi niya agad-agad na maisasalang ang mga alaga niyang artists at gagastusan din niya ang pagbi-build-up sa mga ito. Hindi agad makakabawi sa kanyang puhunan si Maja.
Samantala, hindi pala ang sitcom na pagtatambalan nila ni Empoy Marquez ang una niyang project sa TV5 kundi ang seryeng Niño Niña kung saan dual role ang kanyang gagampanan.
Well, kahit papaano ay may career pa rin naman si Maja at maganda ang show na ibinigay sa kanya. Ngayon ay hindi lamang artista kundi lady boss na rin si Maja ng sarili niyang kumpanya. Career move niya ito bilang paghahanda sa kanyang future.





Comments