MAJA AT MAINE, MAGKASUNOD ANG KASAL SA JULY
- BULGAR
- Apr 17, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 17, 2023

Usap-usapan na parehong this July na ang wedding ng magkaibigang Maja Salvador at Maine Mendoza. Mauuna lang daw ikasal si Maja at ang fiancé niyang si Rambo Nuñez at susunod na sina Maine at Cong. Arjo Atayde.
Pero, wala pang ina-announce sina Maja at Rambo na wedding date at ganu'n din sina Maine at Arjo.
Noong isang araw, ginanap ang bachelorette party para kay Maja at isa si Maine sa mga dumalo. Komento ng mga fans, ibig sabihin nito, malapit na rin ang bachelorette party ni Maine. Kaya nag-aabang na ang mga ArMaine fans nina Arjo at Maine.
Anyway, this Monday (April 17) na raw itutuloy ang naurong na presscon ng TAPE Inc., na dapat ay noong Apr. 15 pa.
Malalaman na kung totoo ang unang nabalita na isa si Maine sa mga mawawala sa Eat... Bulaga! at papalitan ng mga Jalosjos.
Tanong ng mga fans, sino naman ang ipapalit kay Maine na tatanggapin ng mga loyal viewers ng EB!?
May nagsabi namang okay lang kung maalis si Maine sa EB! dahil may iba pa naman siyang show.
Also, kapag nawala siya sa EB! ay makakapag-focus na ito sa wedding preparation nila ni Arjo na siguradong "big wedding."
Speaking of Maine, curious kami sa reaction ng ilang AlDub fans sa ipinost niyang mga photos nila ng kanyang fiancé na si Cong. Arjo sa kanilang bakasyon.
Masabi pa kaya nila na hindi si Maine ang kayakap ni Arjo at ka-look-alike lang niya ito?





Comments