top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mainit ang giyera ng Giga vs. Beermen

BULGAR
Oct 17, 2021
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | October 17, 2021





Tiyak na pakakaabangan ang isang mainit na salpukan sa pagitan ng San Miguel Beer at TNT Tropang Giga na magtatapat para sa huling silya sa championship round sa isang winner-take-all ng semifinals ngayong hapon sa Game 7 ng 2021 Honda PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.


Isa lamang ang uusad sa Beermen at Tropang Giga para kaharapin ang naghihintay na Magnolia Hotshots na tinapos ang sariling serye laban sa Meralco Bolts via 4-2 para sa best-of-seven championship series sa susunod na linggo para sa basagin ang 3-3 tabla sa alas-4:35 ng hapon.


Inaasahan ni SMB head coach Leo Austria na magiging dikdikan at paniguradong giyera ang paghaharap dahil ang parehong koponan ay nag-aasam na muling makabalik sa finals ng All-Filipino, kung saan huling beses nakapasok ang SMB noong 2019 Philippine Cup na kanila ring napagtagumpayan, habang ang TNT ay nabigo noong 2020 sa PBA Bubble sa Angeles, Pampanga kontra Barangay Ginebra Kings.


Gayunpaman, ayaw mangyari ng 63-anyos na 8-time PBA champion at 3-time coach of the year na maging tulad ng takbo ng serye na nagpapalitan lamang ng panalo ang dalawang koponan, kung saan maaaring mauwi sa panalo ang rubber-match para sa Tropang Giga. “Since the start of the conference and the series with the TNT we beat them, they beat us, and now it’s a matter of who wanted to win in the rubber-match on Sunday. Sana yung trending hindi mangyari na win-loss-win-loss,” pahayag ng Sariaya, Quezon native. “I’m expecting a very tight game from start to finish because everything is at stake, and hopefully next game we have good plan against them because every game there is adjustment from both coaches, so let’s see what we can do.”


Sa kanyang eksperyensya sa Game 7’s, nananatiling walang talo si Austria sa 4 na pagtuntong dito, habang may 2-3 si coach Chot Reyes sa rubber-matches, samantalang may 1-0 bentahe si Austria pagdating sa Game 7 kaharap ang TNT noong 2018 Philippine Cup semis. Pagdating kay Reyes ay may 1-1 ito sa San Miguel franchise na nakuha ang panalo noong 2012 Phil. Cup semis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page