MAINE, SINAKTAN ANG MGA FANS 'WAG LANG MAGSINUNGALING
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 5, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Maine Mendoza ng kanyang panig at tunay na saloobin hinggil sa kinahantungan ng phenomenal love team nila ni Alden Richards (AlDub).
Well, hindi naman kaila sa lahat na isa sa mga pinakakontrobersiyal na love team ang AlDub mula sa umpisa hanggang sa mabuwag na ito. Isa sa mga naging malaking issue na pinagdaanan nila ay ang mga galit ng fans na hindi sila nagkatuluyan at katakut-takot na pamba-bash ang naranasan nila especially Maine sa tuwing mali-link sila romantically sa iba.
Sa lahat ng pamba-bash at galit na ibinabato sa kanya ng AlDub fans, never na nagsalita or nagpaliwanag si Maine until now, sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz uploaded on his YouTube channel last Thursday.
Sa nasabing panayam, sinabi ni Maine na talagang ayaw niyang nagpapaasa ng mga tao kaya naman kinailangan niyang sabihin ang totoo na walang namamagitan sa kanila ni Alden.
Matatandaang naglabas ng open letter si Maine nu'ng kasikatan ng love team para sabihing magkaibigan lang talaga sila ni Alden.
“Parang hindi naman po talaga tamang magpaasa, 'di ba? So at one point, you need to set the record straight,” she said.
“Alam ko na by telling the truth, masasaktan sila, pero by leading them on, mas masasaktan din sila. So, parang mas gusto ko na lang mag-stick du’n sa katotohanan, du’n sa totoo, kesa magpaasa ng kahit sino po,” dagdag niya.
Naiintindihan naman daw niya kung may mga fans man na nagalit at aniya ay very grateful siya sa pagmamahal at suporta na ibinigay sa kanila sa simula pa lang.
May mga oras daw na sumasagot siya sa Twitter especially kapag may nadadamay nang ibang tao or artista.
When asked kung naipaunawa na ba niya ngayon sa lahat ng fans na talagang screen partners lang sila ni Alden, she answered, “Marami namang nakatanggap na, Mama Ogs.
‘Yung iba, nag-stop na mag-support which is totally okay din lang naman, pero meron pa rin po na hanggang ngayon, kumakapit pa rin du’n. So, ‘yun ‘yung hindi ko rin ma-tolerate and I tried calling them out couple of times already, pero ayaw po nila talagang maniwala.”
Dagdag pa niya, "'Yung iba, parang kapit na kapit sila na mag-asawa kami ni Alden, may anak na kami. Totoo po ito! At marami na rin po akong mga tao na dinirect message sa Twitter to tell them na wala pong katotohanan.”
Pero may mga tao pa rin daw na hindi naniniwalang siya ‘yung mismong nagdi-DM at admin lang daw ito.
“Parang umabot na lang din po ako sa point na nakakapagod na mag-explain and I don’t think there’s something that I can do para sa mga taong ito. So, wala na akong magagawa,” aniya.
Pero nagpapasalamat naman siya sa mga taong sumusuporta pa rin sa love team hanggang ngayon kahit na nga may kani-kanya na silang buhay.
As we all know, engaged na nga si Maine kay Arjo Atayde at malapit nang ikasal.





Comments