MAINE, NA-TRAUMA SA PHIL. ARENA, NEVER AGAIN NANG MANONOOD NG CONCERT
ni Julie Bonifacio @Winner | June 26, 2023

Naglabas ng disappointment si Maine Mendoza sa kanyang karanasan sa pagpunta sa Philippine Arena para manood ng concert ni Bruno Mars last Saturday. Kasamang nanood ni Maine ang kanyang fiancé na si Congressman Arjo Atayde.
Tweet ni Maine, “Went to see Bruno Mars in Philippine Arena and made it to the finale.
Happy pa rin kasi umabot sa last two songs.
“Napaka-hassle lang talaga ng entry and exit! Has it always been like this? Kumusta ang previous concerts dito? And Tamang Panahon?! Shocks, sorry kung ganito rin ka-hassle.”
Matatandaan na isa sa mga unang big events na ginanap sa Philippine Arena ay ang Tamang Panahon benefit concert at special episode ng Eat… Bulaga! nu’ng kainitan ng AlDub love team nina Maine at Alden Richards.
Siyempre, ‘di na-experience ni Maine ang hassle na sinasabi niya nu’ng concert nila ni Alden. At parang ngayon lang yata siya nagpunta sa Philippine Arena as an audience after ng Tamang Panahon concert nila almost eight years ago.
And this time, kasama na ni Maine ang lalaking kanyang tunay na minamahal and future husband pa.
Sa ikalawang tweet ni Maine ay ipinost niya ang picture kasama si Cong. Arjo habang nasa likuran nila ang malaking banner para sa susunod na international artist na magpe-perform sa Philippine Arena sa January, 2024 — ang idol na idol niyang Coldplay.
But sad to say, nag-pass na si Maine para panoorin ang concert ng kanyang paboritong banda na Coldplay sa Philippine Arena. Mukhang nadala na talaga siya dahil sa na-experience niya sa pagpunta sa concert ni Bruno Mars.
Say ni Maine, “Happy na rin ako to see this! Sending my best wishes to everyone attending next year! Pass na muna siguro ako. Arrive early then suffer after the show, ganu’n. Yikes.”
Naka-relate naman ang mga netizens kay Maine.
“Nakita ko nga sa Facebook, ang daming disappointed na sa Phil. Arena gagawin ‘yung concert kasi super-hirap daw lumabas from parking lot. 'Yung iba, kahit gustong manood, hindi na lang daw. Kaya ‘di na rin ako nanood. Puro ganu’ng comments kasi ang nabasa ko.”
Meron ding nang-bash kay Maine.
“Sige, Maine, ‘yung Philippine Arena na lang mag-a-adjust para sa iyo.”
Depensa naman kay Maine ng ibang netizens, “Bayad po ‘yan kaya dapat masulit. Huwag n’yo pong palitawin na self-entitled 'yung mga nakabili ng tickets.”
“Hindi lang naman siya ang may reklamo sa arena na ‘to, ‘noh! Palibhasa, puro ka lang chismis. Wala ka lang pera para manood ng concert.”





Comments