Maine, ikakasal na kay Arjo... SANYA, TANGGAP NA NG FANS PARA KAY ALDEN
ni Nitz Miralles - @Bida | August 1, 2022

Solong dumating sa GMA Thanksgiving Gala Night si Alden Richards at hindi siya hinanapan ng date ng mga kaibigan at kapwa Sparkle-GMA Artist talents.
Ang dami rin namang dumating nang solo. Pero dahil sa dating at overall impact at sa suot na Tom Ford custom tailored tuxedo, si Alden ang napiling Male Sparkle Star of the Night at si Sanya Lopez naman ang Female Sparkle Star of the Night.
Naalala namin bigla na may ilang AlDub fans na payag nang ma-link at maging couple sina Alden at Sanya ngayong engaged na si Maine Mendoza kay Cong. Arjo Atayde.
Dati, ayaw nila kahit ma-link si Alden kay Sanya, pero ngayon, okay na sa kanila at kahit siguro iba pang girls.
Pero, hindi lahat ay give-up na wala nang Alden at Maine love team at may tumawag pa ngang zarzuela ang engagement nina Maine at Arjo.
Sinisisi nila na kagagawan daw ito ng GMA Network at ng management ni Maine na All Access to Artists. Naniniwala pa rin silang sina Alden at Maine pa rin ang endgame lalo’t paniwalang-paniwala sila sa tsismis na may dalawang anak na ang dalawa.
Ni-like ni Alden ang post ni Maine na engaged na sila ni Arjo, pero sabi ng ilang AlDub fans, pati ‘yun ay palabas lang daw at utos ng GMA.
Teka, hindi papayag sina Alden, Maine at ang mga Atayde na maging part sila ng zarzuela at hindi gagastos si Arjo para sa zarzuela, ha?
Samantala, after ng face-to-face presscon ng Start-Up PH na ang alis ni Alden at ng kanyang team for the States para sa US Tour ng concert niyang ForwARd. This August na ang kanilang alis at wala siguro si Alden sa world premiere ng Start-Up PH dahil buong September ang kanyang US tour.
Mauuna lang sa US ang live concert ng ForwARd.
“May local producer na interested bilhin ang concert. Nauna lang, may producer na bumili abroad. Let’s see pagbalik ko if may time to show the concert here,” sabi ni Alden.





Comments