top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

MAINE, AYAW NG MGA FANS NA MAGAYA KINA ANNE AT SARAH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 10, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 10, 2023



Kung ang ilang fans lang ni Maine Mendoza ang masusunod, hangga't maaari raw ay ayaw pa sana nilang mag-asawa ang kanilang idolo.


Tiyak daw kasing bababa ang popularidad ni Maine sa oras na magpakasal na sa nobyong si Cong. Arjo Atayde.


Mas pipiliin na raw kasi ng mga malalaking kumpanya na kunin ang mga single pang female celebrities para maging kanilang mga endorsers tulad nina Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Nadine Lustre at marami pang iba.


Halimbawa na lang, sina Sarah Geronimo at Anne Curtis na kung dati-rati ay kaliwa't kanan ang mga endorsements, pero nang mag-asawa na ay nabawasan ang kanilang kasikatan.


May mga endorsements pa rin naman ang dalawa, pero hindi na tulad ng dati noong wala pa silang mga asawa. Nag-iba na rin kasi ang status nina Sarah at Anne ngayon.


Well, hindi naman big deal para kay Maine kung sakali mang mabawasan ang mga endorsements niya, dahil galing naman siya sa mayamang pamilya at may mga sarili na rin siyang negosyo.


Kung tutuusin, hindi na kailangan pa ni Maine na maging full-time sa kanyang showbiz career kasi pareho naman sila ni Arjo na financially stable na sa buhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page