top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Maine at Arjo, wala pang date ang kasal… SYLVIA, ATAT NANG MAGKA-APO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2022
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 17, 2022



Pagkatapos ng pagsasalita ni Sylvia Sanchez hinggil sa update ng romance ng anak niyang si Ria Atayde at ni Zanjoe Marudo, nagbigay din siya ng update sa pagpapakasal naman ng anak na si Cong. Arjo Atayde at ng fiancee nitong si Maine Mendoza.


Tanong ni Korina Sanchez sa batikang aktres, "Handa ka na bang magka-manugang?”


Ang bilis ng sagot ni Ibyang, "Handang-handa na ako."


Tinanong kung kelan magpapakasal ang dalawa.


"Wala. Hindi ko pa alam, kasi hindi pa naman sila nagsasabi sa akin, eh.


"Pero siyempre, alam ko 'yun na ang kasunod, kasi 'yun ang gusto nila, eh. Pero 'yung date, hindi ko itinatanong. Hinahayaan kong si Arjo ang magsabi sa akin, 'di ba? 'Yung, 'Kailan ba, anak?'


‘Malapit na, Mom. Malapit na.’ Kasi siyempre, gusto ko na magkaapo," mahaba niyang sabi.


Sa palagay namin, next year na nakatakdang magpakasal ang ArMaine.


May kapatid kasi si Maine na ikinasal this year at may kasabihan ang mga Pinoy na bawal magsukob sa taon ang magkapatid unless double wedding.

'Yun naman po ay amin lang opinyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page