ni Clyde Mariano @Sports | May 31, 2024

It's judgement day sa Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts. Sino sa kanila ang lalaban sa defending PBA Philippine Cup champion San Miguel Beermen sa best-of-seven title series.
Malalaman at matutuldukan ang katanungang ito ngayong Biyernes kung saan maghaharap ang Kings at Bolts sa sudden death Game 7 na gagawin sa San Jose, Batangas sa lalawigan ni PBA Commissioner Willie Marcial.
Nakatakda ang sagupaan ng 7:30 pm sa larong “game of survival” at kapwa determinado ang Kings at Bolts na manalo at labanan ang well-rested SMB. Kinuha ng Beermen ang unang final seat nang walisin ang Rain or Shine 4-0.
Iisa ang ambisyon at pangarap nina coach Tim Cone at ang kanyang bagitong counterpart na si Luigi Trillo na manalo at pumasok sa title picture kontra sa top seed SMB.
Sa laro ay nakasalalay ang pride ni Cone laban sa kulang sa karanasan at bagitong si Trillo. Hindi makakapayag ang veteran at certified achiever ng Kings na matalo kay Trillo. Dalawang beses na tinalo ni Cone ang Meralco sa finals noong si Norman Black pa ang coach ng Bolts.
Sa kabila nang natalo sa Game 6 ay naipilit ng Meralco ang “do or die” Game 7, lamang ang Barangay sa Meralco ng man-to-man at nasa kanila ang twin towers na sina Japeth Aguilar at Christian Standardinger.
Hindi lang lamang sa tao, lamang si Cone kay Trillo sa “battle of the mine”, mahaba ang karanasan ng 66-year old veteran American mentor na taga- Oregon state at siya ang may pinakamaraming PBA titles na napanalunan -25, kasama ang dalawang grandslam at target ang 26th crown.
Sikat at popular ang Barangay Ginebra sa Batangas at paborito ng mga Batangueno na inumin ang Gin kung saan sa nasabing lalawigan nanggagaling ang lambanog at dito umaangkat ang Barangay Ginebra.
Comments