top of page

Mahirap daw magkamali… MADIR KAY KATHRYN: MAG-ISIP MUNA NANG 100 TIMES BAGO MAGDESISYON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 31
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 31, 2025



Photo: Kathryn at Mommy Min - Instagram


Inamin ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo na marami raw manliligaw ngayon ang kanyang anak.


“Siyempre naman. Ang pangit ba naman ng anak ko kung walang manliligaw?” natatawang sey ni Mommy Min sa panayam sa kanya ni MJ Felipe para sa On Cue (OC) online show ng ABS-CBN.


Hindi na nagdetalye pa si Mommy Min tungkol dito pero kinumpirma niyang single si Kathryn ngayon.


Aniya pa, pagdating sa pag-ibig ay hinahayaan lang niyang magdesisyon si Kath.

“Yes. Hinahayaan ko lang s’ya, pero nand’yan pa rin ako sa side na, bulung-bulong, ‘Hindi tama ‘yan, ‘di okey ‘yan.’ ‘Yung mga ganu’n ba,” aniya.


Pinapayuhan niya raw lagi ang anak na 100 times muna mag-isip bago gumawa ng anumang desisyon.


“Kasi mahirap magkamali. Especially sa stature n’ya ngayon, maraming naghihintay na magkamali s’ya,” saad ni Mommy Min.


Pagdating sa pag-aasawa, ang lagi raw niyang sinasabi sa mga anak n’ya, at the age of 25, dapat ay may asawa na sila. Kath is 29 now at hindi raw niya alam kung kailan ito mag-aasawa.


“Sabi n’ya, last year, ‘Siguro, mga 33 (years old),’ tapos padasog (pausod) nang padasog. Nu’ng isang araw, narinig ko nga, 34 daw. Pero sabi ko sa kanya, kasi may expiration ang babae, hindi katulad ng lalaki,” tsika ni Mommy Min.


Nali-link ngayon si Kath sa mayor ng Lucena City na si Mark Alcala pero wala pang pahayag dito ang aktres at maging ang alkalde.



HINDI na muna tumatanggap si senatorial candidate Benhur Abalos ng acting project dahil bukod sa ipinagbabawal ito sa mga kandidato ay naka-focus siya ngayon sa kanyang kandidatura.


Siyempre, ang priority daw niya talaga ay manilbihan sa mga tao at ang pag-aartista ay kapag may free time lang siya.


“’Eto’y (ang pag-aartista) dumaan lang sa buhay natin, ano? Pero sa ‘kin, importante ang manilbihan,” sey ng dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary sa panayam sa vlog ni Ogie Diaz.


“Dahil tinuruan ako ng tatay ko


(Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos) nu’n na dapat may career ka at ang career ko ay isang abogado, sa pagiging abogado, may law firm naman na ako na nand’yan, puwede akong sumama sa gobyerno, at mayroon din kaming negosyo,” aniya.


Matatandaang nag-guest kamakailan si Benhur sa mga teleserye ng GMA-7 na Black Rider (BR) bilang DILG Secretary, Atty. Lilet Matias bilang lawyer, and Mga Batang Riles (MBR) bilang public servant din.


“So, lahat ‘yun, may koneksiyon (sa role niya sa totoong buhay),” sambit niya.

Si Benhur ay tumatakbong senador para sa May, 2025 elections sa ilalim ng koalisyong Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page