Mahina ang benta? TIKET SA CONCERT NI TONI, PINAKYAW NG MADIR
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 11, 2023

True nga ba ang tsika na pinakyaw ng ina ni Toni Gonzaga na si Mommy Pinty ang mga tickets sa nalalapit na birthday and 20th anniversary concert ng kanyang anak?
Ayon sa tsismis, 500 tickets daw ang binili ni Mommy Pinty para sa I Am… Toni concert ni Toni na gaganapin this January 20 sa Smart Araneta Coliseum.
Isa nga rin ang tsikang ito sa mga nai-discuss sa vlog ni Ogie Diaz with Mama Loi and Mrena.
Pero ayon kay Ogie ay naiintindihan naman niya if ever na true nga na bumili ng 500 tickets si Mommy Pinty.
Siyempre, ina nga naman ito na gusto lamang suportahan ang anak.
“Ako rin naman, kung sa akin mangyari ‘yun, na anak ko, may concert, susuportahan ko rin.
Parang popularity contest din sa school, 'di ba? Susuportahan mo ‘yung anak mo,” sey niya.
“Siyempre, nanay ‘yun, susuportahan niya ‘yung anak niya,” dagdag pa niya.
Sa tsikang baka mahina ang ticket selling kaya bumili nang ganu’n karaming tiket si Mommy Pinty, ‘yun ang hindi na masagot ni Ogie.
Ang hula na lang ni Mama Loi, baka naman daw nagpabili ang mga relatives nina Toni kay Mommy Pinty.
Wish naman ni Ogie na kumita ang concert dahil siyempre, pinaghirapan naman ito ng mga taong involved kasama na ang producer at ang buong staff.





Comments