top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mahigit 7 milyon doses na ang naibakuna sa ‘Pinas, huwaaaw!

BULGAR
Jun 16, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | June 16, 2021


Mag-donate ang Japan ng AstraZeneca vaccine na “Made in Japan”.


Arigatou gozaimasu!


◘◘◘


UMABOT na sa higit 7 milyon doses ang naibakuna sa ‘Pinas.


Klap-klap-klap!


◘◘◘


TANGING sina VP Leni at ex-Sen. Antonio Trillanes ang hindi tumanggi sa nominasyon ng 1Sambayan.


‘Yan ang tandem ng LP!


◘◘◘


TEKA, hindi ba’t Nacionalista Party (NP) ang Partido ni Trillanes.


Paki-explain, Manny Villar!


◘◘◘


MAINIT na ang maniobra sa presidential race.


Pero, wala pang nagdedeklarang main protagonist!


◘◘◘


GINEGEKGEK ang proseso ng eleksiyon.


Walang nagdedeklara, pero nangangampanya na.


Inutil ang Comelec!


◘◘◘


MARAMING patayan ang nagaganap dahil sa eleksiyon.

Pero, idinidikit kuno ang kaso sa droga at komunismo.


Lumang tugtugin!


◘◘◘


MATATAPOS na ang ilang COVID facilities.


Ito ay preparasyon sa “4th wave”!


◘◘◘


PUWEDE nang mag-gym sa GCQ with some restrictions.


Yipeee!

◘◘◘


LUMIPAT na ang COVID sa mga lalawigan.


Sila naman ang pinagkikitaan gamit ang kaduda-dudang RT-PCR test sa mga ospital!


◘◘◘


BAKIT hindi ipinaliliwanag ng DOH kung paano ina-authenticate, ibina-validate at ina-audit ang “data” na inilalabas araw-araw kaugnay sa COVID updates.


Mahalaga ang kredibilidad ng “datos” upang makumbinse ang mga tao na magpabakuna!


◘◘◘


BAGSAK pa rin ang ekonomiya.


Marami pa rin ang nagsasaradong negosyo!


◘◘◘


NAGBABALIK na sa Metro Manila ang mga obrero para maghanap ng trabaho.


Magiging siyudad ito ng mga tambay!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page