top of page
Search
  • BULGAR

Mahigit 350 medical workers na bakunado, nadale ng Delta variant ng COVID-19

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | June 24, 2021



Kailangang magplano na tayo para sa proteksiyon ng mga healthcare workers na bagama’t nabakunahan na ay nagkakaroon pa rin ng COVID-19.


Kung matatandaan, kamakailan lamang mahigit 350 medical workers sa Indonesia, na bakunado ang tinamaan ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19. Inabot sa dose-dosena ang kinailangang ma-ospital kahit pa bakunado na sila.


Hindi malayo ang posibilidad na magka-COVID pa rin ang mga HCW dahil na rin sa mas matinding exposure nila sa virus.


☻☻☻


Kailangang maglatag ang pamahalaan ng komprehensibong sistema para maprotektahan ang ating mga HCW.


Bukod sa pagkakaroon ng maayos na data collection tungkol sa mga HCW na magkaka-COVID, pinakamahalaga ang pagbigay ng all-out support, lalo na para sa mga HCW na kailangang ma-ospital.


Huwag naman sana, pero kailangang nakalatag na kung paano ang gagawin in case na magkaroon ng scenario na tulad sa Indonesia.


At habang naghihintay pa tayo ng third dose o booster shot na aalalay sa mga nabakunahan na laban sa mga mutant strain, kailangang mabigyang-diin ang mga praktikal na solusyon para sa proteksiyon ng mga HCW.


Tandaan natin, we cannot afford for our HCWs to get sick and risk the collapse of our healthcare system.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page