Maharlika fund, tuloy na tuloy — PBBM
- BULGAR

- Oct 19, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | October 19, 2023

Naalarma umano si Presidente Bongbong Marcos Jr. sa mga kumakalat na balita tungkol sa kanyang pagsuspinde sa Maharlika Investment Fund (MIF), kaya nilinaw niya ngayong Huwebes, Oktubre 19, na tuloy ang usad ng kanilang mga plano.
Saad nito, kabaligtaran daw ang mga lumabas sa balita sa mga mangyayari dahil ang kanila raw ginawa ay para mas palakasin at ayusin ang MIF.
Dagdag ni Pangulong Marcos, balak niyang ituloy ang kanilang mga plano at ang implementasyon bago matapos ang taong 2023.
Ito ay matapos ang memorandum na inilabas nu’ng Oktubre 12 na pansamantalang ipinapahinto ang MIF para sa mas masusing pag-aaral.
Ang pagpapatupad umano ng Maharlika fund ay dumaan sa maingat na konsultasyon sa mga propesyonal at mga kasapi sa pagpapaunlad ng pondo.
"This has been in consultation not only with our economic managers but also with the people, the personalities who will actually be involved in the fund. And that’s why their inputs had been very important and that is why we are going to now utilize them to make it a better organization," ani Marcos.





Comments