top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Mahal na sibuyas, iniyakan, sinopla… JUDAY, TINAWAG NA "PAPAMPAM" NG DATING CONTESTANT NG MASTERCHEF

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 25, 2022
1 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 25, 2022



Ayaw tantanan si Judy Ann Santos ng isang dating Masterchef contestant na si Pebbles Cunanan, dahil kung nu'ng una, ang pagiging 'resourceful' at credibility ni Juday bilang chef ang kinuwestiyon nito, ngayon, sinopla na naman niya ang misis ni Ryan Agoncillo dahil sa hinaing sa pagtaas ng presyo ng sibuyas.


Isa kasi si Juday sa mga nagsentimyento at nagsabing naiiyak siya dahil umabot na sa P550 ang presyo ng kilo ng sibuyas na puti na ginagamit niya sa kanyang mga lutuin.


Sagot naman ni Pebbles sa kanyang Facebook post, “Tuition fee mo nga sa culinary school na pinag-aralan mo, umabot ng isang milyon, tapos 500 pesos, iniyakan mo? Luhhhh.”


Hirit pa niya laban kay Juday, "PAPAMPAM KA NAMAN MASYADO," at sinabing ang mga artista raw talaga, 'pag nalalaos na, pati ang sibuyas, papatulan.


'Kalokah! Buti na lang at "sibuyas" lang ang napansin ni Juday at hindi niya favorite ang patola kaya dedma lang siya sa panlalait sa kanya ng dating contestant na ito ng kanyang hinost na show na ewan naman kung nakakain ng "ampalaya".


Usapang-gulay tayo ngayon, guys, ha?! Hahahaha!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page