top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Magtotobetsky, nanalo sa Chairman's Cup III

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 3, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | May 3, 2023


Nagpasiklab ang kabayong Magtotobetsky nang manalo ito sa 2023 PHILRACOM "Chairman's Cup" Division II na ginanap sa Metro turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Sabado ng hapon.


Nasa hulihan sa largahan ang Magtotobetsky, nagmasid lamang sa likuran habang nag-uubusan ng lakas sa unahan sina Gusto Mucho at Sky Shot.


Sinakyan ni veteran jockey Jeffrey Bacaycay, kampante nitong dinala si Magtotobetsky, dumiskarte at hindi nito inapura ang pagremate.


Papasok ng far turn ay unti-unti ng lumalapit sa unahan si Magtotobetsky kaya naman pagsapit ng huling kurbada ay nakadikit na ang winning horse sa bumanderang Sky Shot.


Nakapitan ni Magtotobetsky si Sky Shot sa huling 100 metro ng laban at saka inungusan upang manalo ng may tatlong kabayo ang agwat.


Inilista ni Magtotobetsky ang tiyempong 2:06.6 sa 2,000 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Sandy Javier Jr. ang P450,000 premyo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Nasungkit ni Sky Shot ang P168,750, habang tig-P93,750 at P37,500 ang third at fourth placers na sina Fortissimo at Blackburn ayon sa pagkakasunod.


Nakopo naman ng breeder ng winning horse ang P37,500 habang tig P22,500 at P15,000 ang second at third.


Samantala, inaasahang naghahanda na rin ang mga kabayo para sa lalahukang mas malaking karera sa mga susunod na Linggo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page