Magtotobetsky, magilas sa Merged 10 ng Malvar
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | May 31, 2022
Kuminang si Magtotobetsky nang magpakitang gilas ito sa Condition Race Merged (10) na ginanap sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Ginabayan ni Andreu Villegas, nakapagtala si Magtotobetsky ng tiyempong 1:22.8 sa 400 meter race, dumating na segundo si Victorius Colt habang tersero si The Accountant.
Umarangkada agad si Greatwall sa unahan paglabas ng aparato habang nakasunod sina Victorious Colt at The Accountant.
Abang naman sa pang-apat si Magtotobetsky pero papasok ng huling kurbada ay lumapit na sa unahan ang winning horse.
Pagdating ng rektahan ay kuha na ni Magtotobetsky ang unahan at tinawid nito ang unahan ng may isang kabayo ang agwat sa nasegundong Victorious Colt.
Pangatlo si The Accountant habang pumang-apat si Greatwall sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
"Napakahusay ni Magtotobetsky magaling sa malambot na pista," saad ni Carmelo Evangelista, veteran karerista.
Hindi naman nagpadaig si Bishop Blue matapos manalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na pinakawalan sa pangatlong karera.
Ginabayan ni MB Pilapil, inilista ni Bishop Blue ang tiyempong 1:25.2 sa 1,400 meter race.





Comments