top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Magtotobetsky at Patong-Patong, mag-uunahan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2023
  • 1 min read

ni Green Lantern @Renda at Latigo | March 22, 2023



Magtatagisan ng bilis ang dalawa sa mahuhusay na kabayo sa Pilipinas na sina Patong Patong at Magtotobetsky sa magaganap na 2023 PHILRACOM "Classic Cup Division II sa darating na Sabado sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.


Tiyak na mapapalaban sina Patong Patong at Magtotobetsky kontra limang tigasing kabayo sa distansyang 1,800 meter race.


Nakalaan ang P750,000 guaranteed prize sa unang anim na kabayong tatawid sa meta, ang ibang kalahok ay sina Blackburn, Fortissimo, La Vie D'Or, Shining Vic at Work Bell.


Gagabayan si Patong Patong ni jockey Jomer Estorque habang si Jeffrey Bacaycay ang rerenda kay Magtotobetsky sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.


Kokolektahin ng mananalong kabayo ang P450,000, mapupunta ang P150,000 sa second placer, kukubrahin ng third ang P75,000 habang sisikwatin ng fourth, fifth at sixth ang tig-P37,500, P22,500 at P15,000 ayon sa pagkakahilera.


Ibubulsa rin ng breeder ng winning horse ang P37,500 habang tig-P22,500 at P15,000 ang third at fourth.


Samantala, pakakawalan din sa nasabing araw ang Classic Division III na lalahukan ng walong matitikas na kabayo.


Ang mga kasali ay sina All Too Easy, Cupid Song, Hamlet, Magna Cum Laude, Moderne Cong, Mommy Caring, Shanghai Noon at Sophisticated na sasakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate.


Paglalabanan naman ang guaranteed prize na P500,000 kung saan P300,000 ang mapapanalunan ng mananalong kabayo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page