Magtiyuhin, kahit parehung-pareho raw ang ugali…
- BULGAR

- Oct 25, 2020
- 2 min read
RUFFA, IBINUKING NA MAS MARAMING BABAE SI ROBIN KESA KAY DANIEL
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 25, 2020

Dahil first time nakatrabaho ni Ruffa Gutierrez si Daniel Padilla (via The House Arrest of Us), ngayon pa lang niya talaga nakita ang pagkakapareho ng aktor at ng tiyuhin nitong si Robin Padilla.
“I remember, during the first day (of taping),” kuwento ni Ruffa sa Zoom tsikahan namin sa kanya last Thursday, “talagang tinititigan kong mabuti si Daniel, talagang batang Robin Padilla na ang lakas ng karisma.
“Even when he talks, sabi ko, ‘Oh, my God,’ parang naalala ko ‘yung boses ni Robin Padilla nu’ng araw.”
Lalo pang napabilib si Ruffa nang makita niya kung paano itrato ni Daniel and girlfriend na si Kathryn Bernardo.
“The way he takes care of Kathryn is like she’s a protected diamond, like a precious gem, hindi ‘yung tingin ng lalaki sa babae na gusto mo lang siyang i-take for granted, hindi ganu’n ang tingin ni Daniel kay Kathryn.
“Eh, si Kathryn din naman, ang bait-bait, talagang marespeto, ang ganda ng kutis and simpleng-simple lang siya, hindi nga siya halos nagme-make-up,” sey ni Ruffa.
When asked kung sino ang mas malakas ang karisma between Daniel and Robin since naging leading man niya rin dati ang huli, ayon kay Ruffa ay pareho naman at hanga nga rin siya kay Binoe dahil hanggang ngayon ay nandiyan pa rin daw ang appeal nito sa kababaihan.
Pero ang kaibahan daw talaga ng magtiyuhin, si Robin ay maraming girls during his time habang si Daniel ay one-woman man.
“Feeling ko, mas maraming may crush kay Robin during his time kasi he seemed like he was available, and now, crush din si Daniel pero crush siya as a love team with Kathryn and Daniel,” aniya.
Nag-premiere na ang The House Arrest of Us kahapon sa KTX at ngayong araw naman (Sunday, Oct. 25) ay mapapanood na ito sa iWant-TFC.





Comments