top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Magsasarili na lang… CRISTY FERMIN, BABU NA KINA LOLIT AT MR. FU

BULGAR
Mar 7, 2022
3 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | March 7, 2022




Naniniwala na talaga kami na kapag may nagbiro, ‘half meant’ ‘yun.


Tulad na lang ng biruan ng tatlong hosts na sina Nanay Cristy Fermin, Mr. Fu at Manay Lolit Solis sa FB Live nilang Take It Per Minute… Me Ganu’n.


Nang mapanood namin ang online show noong Martes, Marso 2, ay nagkabiruan na mawawala na ang Take It Per Minute… Me Ganu’n at kesyo huling episode na nila nu’ng araw na iyon.


Sabi ni Manay Lolit, “Naku, gagradweyt na nga tayo ngayong araw na ‘to, ‘no?”

Tumatawang sabi naman ni Mr. Fu, “Naku, may narinig ako kanina na graduation song, pinatutugtog ni Japs (Gersin).”


Payo ni ‘Nay Cristy sa avid listener niyang si Tita Nene Ulanday, “Tita Nene, tumutok ka kasi marami kaming sorpresa.”


Humahalakhak uling sabi ni Mr. Fu, “Oo, kasi pati kami, na-surprise. Ha, ha, ha, ha!”

Dagdag pa, “Basta abangan n’yo, may sorpresa kami para sa inyo. Pagdating ko kasi, akala ko, may prank. Sabi ko, ‘May prank ba? May camera ba?’ Eh, wala pa ang mga gamit dito. Hindi pala, pero isang sorpresa na kailangan ninyong abangan.”


At narinig ang boses ni Salve Asis, ang line producer ng show, na huwag daw munang sabihin.


Hirit tuloy ni Manay Lolit, “Naku, Salve, siguro gawa-gawa mo lang ‘yan, eh.”


“Para sumama ang loob namin, ha, ha, ha!” tumatawang sabi pa ni Mr. Fu.


Hanggang sa may pahiwatig na tila may magaganap na dahil nabanggit ni ‘Nay Cristy kay Mr. Fu, “Hindi, gusto ko, tatlo tayo.”


Tinanong namin si Salve pagkatapos naming mapanood ang Take It Per Minute… Me Ganu’n kung mawawala na ang show nila sa FB, pero sinagot kami ng hindi.


Hanggang sa nabasa namin ang post ni Manay Lolit nitong Sabado.


Ang caption ni Manay Lolit sa larawan nilang tatlo nina ‘Nay Cristy at Mr. Fu, “Parting is such a sweet sorrow talaga, Salve. Hindi ko maisip na after 3 years na parang bahay ko na ang Obra ni Nanay Gallery every Tuesday ng 12/1 ng hapon bigla ay mahihinto iyon.


“Ang nakasanayan ko nang sila Richie, PJ, Japs Gersin at Tina Roa, bigla hindi ko na makikita. Iyon alam na alam mo na ang bawat sulok ng Obra ni Nanay, tapos, hindi mo na ito pupuntahan ‘pag Tuesday, ay suntok sa dibdib talaga.


“Pero it was a very beautiful 3 years na nakatanim na sa memory file ng utak at puso mo. At mas maganda nga na iyon masasayang alaala ng 3 taon ang lagi sa puso mo, at naghiwalay kayong lahat nang best of friends. May kanya-kanya din kasing journey sa buhay na sinusunod kahit best of friends, like mas masaya siya du’n, at masaya na ako dito, pero friends pa rin kayo. Siguro nga, naging daan lang ang digital show namin na Take it… para mas tumibay friendship namin nila Cristy at Mr. Fu. After 3 years very close na kami, hah hah hah.”


Hanggang sinabi ni Manay Lolit na may ibang gagawin si ‘Nay Cristy na kanya lang at sila ni Mr. Fu ay tuloy pa rin.


“Now meron na kami mga bagong journey na naman, na sana tulad ng pagtangkilik ninyo sa Take it, mahalin din ninyo at laging sundan. Pupunta sa mas masayang lugar si Cristy, sasamahan ko si Mr. Fu, makikita n’yo pa rin kami,” bahagi pa ng sabi ni ‘Nay Lolit.


Muli naming binalikan si Salve tungkol sa post ni Manay Lolit pero sinagot kami ng, “Si Nanay (Cristy) na lang tanungin mo.”


Nagpadala kami ng mensahe kay ‘Nay Cristy kung totoong wala na siya sa show nilang tatlo nina Manay Lolit at Mr. Fu, pero hindi kami sinagot.


Anyway, bago namin matapos sulatin ang balitang ito ay may nagbulong sa amin na magkakaroon na raw kasi ng sariling YouTube channel si ‘Nay Cristy kaya hindi na niya kakayanin pa lalo’t may araw-araw din siyang Cristy Ferminute sa Radyo 5 92.3 News FM at napapanood sa One.PH YT channel at Cignal play app.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page