Magsasama sa MMFF movie… VICE AT VIC, NAGBATIAN SA KANI-KANILANG SHOW
- BULGAR

- 12 hours ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | July 3, 2026

Photo: It's Showtime / Eat Bulaga
Nagbatian sa ere sina Vic Sotto at Vice Ganda sa kani-kanilang magkatapat na programa sa telebisyon kahapon.
Unang bumati si Vice sa It’s Showtime (IS) kay Vic.
Sey niya, “May babatiin ako. ‘Yung idol ko. Hi! Bossing Vic. I love you.”
Maya-maya ay si Vic naman ang bumati kay Vice.
“May bumati sa akin kanina. Babatiin ko rin s’ya ngayon. What’s up, Vice? Mag-uusap tayo,” bati ni Vic.
Sumingit si Allan K. at tinanong si Vic kung pinagbabantaan ba niya si Vice.
Sagot ni Vic, “Hindi. Mag-uusap tayo nang masinsinan. Basta ang masasabi ko lang sa ‘yo, mwah- mwah, tsup-tsup!”
Habang binabati ni Vic si Vice sa ere, nasa tabi naman niya si Joey de Leon.
Nagulat ang mga televiewers at netizens sa palitan ng batian ng dalawang higanteng hosts. Bagama’t ang iba naman ay may ideya na sa ‘pa-tweetums’ nina Vic at Vice sa ere.
“Kinikilabutan ako! Mangyayari na! Madlang People at Dabarkads! Totoo ba ang chismis? MMFF (Metro Manila Film Festival) 2026 pasabogggggg!!!”
“Ako lang ba ‘yung naiiyak habang inire-record ko ito? Huhuhu! Panigurado, sobrang saya nito!
Bossing Vic sa It’s Showtime. Vice Ganda sa Eat…Bulaga!/TVJ.”
“Eto na nga ang babasag sa billion gross na ‘yan. Bwakbwakbwak.”
“Sana, mag-usap sila nang live sa mga shows nila. ‘Yung parang ginagawa dati ng EB! at Startalk. O mag-guest si Bossing sa IS at vice-versa. Please, make it happen.”
Puwedeng-puwede lalo na’t magkasama sila sa isang movie.
Madir, niloko na, ininsulto pa… IPINANGALAN NG PADIR KAY ANDREA, NAME NG KABIT
Ibinulgar ng ina ni Andrea Brillantes ang panloloko sa kanya ng ama ng aktres.
Nagbalik ang masakit na alaalang ‘yan sa ina ni Andrea na si Belle Brillantes (Mabel Gorostiza) habang nagpe-perform on stage ang alter ego ng aktres na si Ramona.
Nag-perform si Andrea bilang Ramona sa isang bar para i-promote ang bago niyang kanta na pinamagatang Laguna.
Feeling proud, at the same time, naiyak si Mommy Belle kay Andrea. At habang pinapanood si Ramona, naalala niya ang kaparehong bar kung saan nakita niya ang kanyang asawa na may kasamang ibang babae.
Ipinagbubuntis daw niya si Andrea that time. At rebelasyon pa ni Mommy Belle, hindi raw siya ang pumili at nagbigay ng pangalan kay Andrea.
Dala-dala raw niya ang pain at galit dahil sa pangyayaring iyon hanggang sa paglaki ni Andrea.
Sa kanyang Instagram (IG) post na may series of photos ni Ramona on stage ay ibinahagi ni Mommy Belle ang nangyari sa kanila ng ama ni Andrea.
Kuwento ni Mommy Belle sa caption, “Ramona (red heart emoji). You erased my bitter feelings for having a name that was given to you without my consent.
“When you sang, I understood. We were together that night. I was carrying you in my belly, 7 months pregnant, when I saw the father of my children with another woman, the same place you sang your first single live. How you healed my angry heart because you were named after a woman who mocked me, made jokes about my skin color.”
At sa huli, pinatawad na ni Mommy Belle ang mga nanakit sa kanya.
“I forgave them both. Who would have thought that we will be coming back to that same place, 70s Bistro, together. Life had come full circle,” pag-alala pa ni Mommy Belle.
Bumilib ang mga netizens sa ina ni Andrea sa pagle-let go of the pain.
Sey ng mga fans…
“What a beautiful journey of healing and forgiveness, Tita Belle.”
“Thank you for sharing your heart and for bringing Ramona into this world.”
True.





Comments