Magpopokus na lang sa negosyo… ENRIQUE, GUSTO NANG MAGBABU SA SHOWBIZ
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 15, 2022

Kasalukuyang nagbabakasyon sa Los Angeles, California si Ogie Diaz kasama ang kanyang pamilya.
Kahit nasa Tate ang batikang manunulat-cum talent manager-vlogger ay updated pa rin siya sa YouTube Channel nila ni Mama Loi, ang Showbiz Update.
Tsika ni Mama Loi, may balita umanong magpapakasal na raw si Liza Soberano kay Enrique Gil.
Hiningan ni Mama Loi ng reaksiyon ang dating manager ni Liza na si Mama Ogs.
Ayon sa dating manager ng aktres, noon pa naman daw ay pinag-uusapan na ng LizQuen ang kasal. Pero, hindi pa raw siguro ngayon.
"Ang alam ko, may dream pa si Liza na maging isang Hollywood star. Kaya nga panay ang padala niya ng mga videos at VTR sa mga agency dito.
"Hinayaan muna siya ni Quen na matupad ni Liza ang kanyang dream.
"At si Quen, parang nagbabalak na rin yatang tumigil sa pag-aartista at magko-concentrate sa business nila ni Liza.
"Kaya lang, ang dami-daming offers sa LizQuen kaya malamang na gumawa pa rin siya."
"Malay mo, baka biglang magyaya na si Liza na magpakasal na sila ni Quen, meaning sila talaga ang nakatakda sa isa't isa forever," mahabang sabi ni Mama Ogs.
Sa ngayon daw ay talagang pinapayagan ng aktor na matupad ang pangarap ng girlfriend.





Comments