Magpo-promote sa Korea… PACQUIAO, NAGHAHANDA NA SA NEXT BOXING MATCH
- BULGAR
- Oct 8, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 8, 2022

Magge-guest pala si Manny Pacquiao sa Running Man Korea at nai-report ito ng Korean media outlet News 1 at part daw ito ng promotional tour ni Manny sa South Korea tungkol sa pagbabalik niya sa boxing.
Sa October 10 ang sinasabing dating ni Manny sa South Korea at sa Oct. 11 ang recording niya for Running Man. Kinumpirma na ng production team ng show ang guesting ni Manny sa hit variety show ng South Korea na may Philippine adaptation.
Kasunod nito, ia-announce ni Manny ang next boxing bout niya sa vlog siguro ng Korean YouTuber na si D.K. Yoo sa Oct. 23.
Sa kanyang Instagram, may mga posts na si Manny ng kanyang workout.




Comments