top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Magpo-focus na raw sa pamilya… BEA, TINATAPOS LANG ANG MGA PROJECTS, BABU NA SA SHOWBIZ

Writer: BULGAR
BULGAR
6 hours ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 25, 2026



FRANKLY - BEA, TINATAPOS LANG ANG MGA PROJECTS, BABU NA SA SHOWBIZ_IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Inamin ni Bea Alonzo na tatapusin lang niya ang kanyang mga showbiz commitments at pagkatapos ay magpo-focus na siya sa pagbuo ng pamilya kasama ang mister na si Vincent Co.


Inanunsiyo ito ng aktres sa latest interview niya sa 24 Oras.


“Honestly, I would like to give a lot of time for my personal life also. To build a family, ganyan. So, yeah, that’s what’s next for me,” dagdag ng aktres.


“I’ve been acting since I was 13 and I just turned 39. Parang feeling ko, now is the time to actually just pick whatever makes you happy,” sey niya.


“Parang harvest season na ngayon. Parang nagtanim ka na ng marami, so parang I would like to believe na kahit on and off screen, I would like to believe na nakapagtanim na ‘ko sa mga fans ko, sa mga tao ng trabaho ko, that they would somehow remember,” patuloy niya.

Tungkol naman sa kanyang nararamdaman ngayon, sey ni Bea, “Feeling ko, nandu’n ako sa place in my life where I’m very, very happy.”


Mukhang hindi rin umano nag-iwan ng sama ng loob kay Bea ang hindi natuloy na kasal nila sa Spain noong Mayo. Kaya naman, nag-honeymoon na lang sila sa Europe matapos ang civil wedding nila rito sa Pilipinas.


Sey niya, “I’ve never not loved going to Europe. Actually, ‘di lang Europe, I’ve always loved traveling.”

Dagdag pa ng aktres, naniniwala siyang nangyari ang lahat sa tamang paraan, kabilang na ang kanilang honeymoon.


“It's really about perspective, so parang feeling ko, everything was meant to happen, the way it happened. Even ‘yung honeymoon, it was meant to happen that way,” sey ni Bea.


“Everything happens for a reason, and yeah, parang masasabi mo lang ‘yun ‘pag na-reach mo ‘yung life mo where you are happy and you’re contented,” pahayag pa ng aktres.





HINDI napigilang maging emosyonal ng actor-politician na si Alfred Vargas sa pagdiriwang ng ika-16 na kaarawan ng panganay nilang anak ni Yasmien na si Alexandra.


Sa pamamagitan ng isang heartfelt message sa social media, ibinahagi ni Alfred ang kanyang pagmamahal at pagmamalaki sa anak na malaki ang naging papel sa pagbabago ng kanyang buhay bilang isang ama.


Ayon sa Quezon City (QC) 5th district councilor, si Alexandra ang unang nagbigay sa kanya ng pagkakataong maranasan ang pagiging ama at nagpaalala sa kanya kung gaano kaganda at makabuluhan ang buhay.


“Happy birthday, my dearest Alexandra (blue heart & cake emoji).

“You made me a dad 16 years ago, exactly a day before my birthday. Since then, you’ve been my constant reminder that life is beautiful, meaningful, and that being a father is the greatest thing in the world,” simula ng mensahe ni Alfred.


“I’m so proud of the kind, strong, smart, thoughtful and loving young woman you’re becoming. But no matter how grown-up you get, you’ll always be my little girl. My first-born,” patuloy niya.


Ngayong papasok na si Alexandra sa panibagong yugto ng kanyang buhay, nagbigay din si Alfred ng ilang mahahalagang paalala bilang isang mapagmahal na ama.


“As you enter this new chapter, always keep God at the center of your life. Trust Him. Pray regularly. And let your faith guide you through every goal, challenge, and decision,” paalala niya.


“Keep dreaming big, Alex. Stay grounded and always remember that Dad will always be here for you. I am mighty proud of you!” sey pa niya.


“I love you endlessly, Anak. Happy 16th!” ang madamdaming pagtatapos ni Alfred sa kanyang birthday message.


Double celebration din ito para sa pamilya Vargas dahil magkasunod ang birthday ni Alexandra at ng kanyang ama. Ipinagdiwang naman ni Alfred ang kanyang ika-47 kaarawan kahapon, Sabado, October 24.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page