Magpapakatotoo na raw, Chiz… HEART, UMAMING MAY PINAGDARAANAN
ni Nitz Miralles - @Bida | September 4, 2022

Nasa Paris uli si Heart Evangelista at may mga ginagawa raw projects and “living her best life.”
Kita naman sa mga ipino-post nitong photos sa kanyang Instagram na maraming ginagawa at pinupuntahan si Heart habang nasa Paris. Pero pansin ng mga netizens, may lungkot sa mga mata ni Heart na para raw may dinadala at may bumabagabag sa kanya.
Nakumpirma ito sa recent vlog ni Heart kung saan binanggit na may pinagdaraanan siyang “personal struggles” and she is in search of “just being happy.”
“I’m not gonna lie. I’ve been going through a lot of like personal stuff in my mind. But you know, at the end of the day, I’m still very grateful and as long as there’s life, there’s hope."
Sinundan ito ng “I’m not gonna deny that I’ve been going through like some personal struggles.
Like I’ve been... I feel a lot of pressure in my life and basically now, I’m really in search for just being happy.”
Naaalala ng mga supporters ni Heart na sa GMA Thanksgiving Gala, kung saan kasama niya si Senator Chiz Escudero na dumalo sa event, may lungkot na ang mga mata ni Heart. Doon pa lang, nakahalata na ang mga supporters nito na iba ang kanyang vibe.
Hintayin natin na si Heart mismo ang mag-open up sa mga tinukoy niyang personal struggles at pressure sa buhay niya at kung sino ang nagbibigay sa kanya ng pressure. Hintayin din natin ang pagbabalik-bansa ni Heart mula sa Paris.





Comments