Magpa-file raw ng annulment… ANNABELLE, NAGSALITA NA SA HIWALAYANG MANNY-JINKEE
- BULGAR
- Feb 1, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 1, 2023

Hindi nakapagpigil si Annabelle Rama at tinarayan ang mga nagkakalat ng fake news sa mga kaibigang sina Manny at Jinkee Pacquiao.
Sa kanyang Instagram page ay nilinaw ni Tita Annabelle na walang katotohanan ang balitang hiwalay na ang mag-asawa at nag-file na raw ng annulment si Jinkee.
Ayon kay Bisaya (tawag kay Annabelle), very much together pa rin daw ang mag-asawa at imposibleng maghiwalay ang mga ito.
“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN N'YO NA ANG PAG-IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG-FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS.
“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG-TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT's A FAKE NEWS. UNANG-UNA, SA NAKIKITA KO, IMPOSIBLENG MAGHIWALAY ANG MAG-ASAWA DAHIL NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY,” paglilinaw ni Tita Annabelle.
Sey pa ng nanay nina Ruffa and Richard Gutierrez, abala nga raw si Jinkee ngayon sa pagpapagawa ng mansion nila.
“BUSY SI JINKY SA 3 HECTARES MANSION NA IPINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG-ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS,” pagbabahagi niya.
Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Tita Annabelle sa nagkakalat ng tsismis na mamatay na lang daw ito sa inggit.
“KAYA 'YUNG MGA MARITES, TIGILAN N'YO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” ang mensahe ni Tita A.
Sa comment section ay 'kaaliw ang sagot ni Jinkee na “Ang taba ko sa pic na 'to, tita.”
Pero kasunod nito, aniya, “Hayaan mo na sila. God bless them!”
Pagko-quote pa niya sa isang Bible verse, “Vengeance is mine. I will repay, says the Lord."
Nagsimula ang fake news sa isang YouTube channel kung saan ay ibinalita ng vlogger na hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.
Marami ang nag-suggest na kasuhan ang vlogger pero sa malas ay wala namang balak si Jinkee na magdemanda pa at ipinauubaya na lang niya ito kay Lord.




Comments