top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maglalaho na ang COVID-19, wala pa ring bakuna!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2021
  • 1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 9, 2021



Sunud-sunod na ang lindol sa Davao.


Talagang puro Davao, Davao, Davao na lang ang buhay sa ating Republika!


◘◘◘


Kinumpirma ng Congo na nagbabalik ang ebola.


Nanangkupooo!


◘◘◘


Nakatuklas na ng gamot kontra COVID ang Israel.


Para saan pa ang bakuna?


◘◘◘


Taliwas sa mga naunang ulat, bumababa na ang bilang ng tinatamaan ng COVID sa buong mundo.


As expected!


◘◘◘


Mas mauunang maglaho ang COVID-19 kaysa sa pagdating ng vaccine sa lahat ng mamamayan.


Isang malinaw na scam-scam lang talaga!


◘◘◘


Unti-unti nang nagsasarado ang mga dambuhalang negosyo.


Maging ang bangko ay natuturete na.


Wala nang tao sa mga mall.


Puro multo na lang at gagamba!


◘◘◘


Malabo pang makarekober ang ekonomiya sa susunod na anim na buwan.


Kaya mo pa ba?


◘◘◘


Itutuloy na ang Tokyo Olympics, kahit walang manonood.


Dapat lang!


◘◘◘


Asahan ang pork holidays sa Metro Manila.


Hay, salamat, hindi na kami magkaka-kolesterol!


◘◘◘


Pinabubuksan na sa turismo ang buong bansa.


Eh, bakit kay daming dokumento na hinahanap sa mga bumibiyahe?


Magkakontra ang mga kolokoy!


◘◘◘


Kapag tumodo ang krisis, kaawa-awa ang ieendorso ni P-Digong sa 2022 elections.


Magugutom ang mga botante!


◘◘◘


Ipinarerehistro na ang mga e-bike.


Panibagong mapagkakakuwartahan ng mga kotongero!


◘◘◘


Patok na patok pala ang online sabong.


Sino ang tumatabo rito?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page