top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Magkatapat, pero never daw naglaban… VICE, KUMANTANG NA-STAR STRUCK KAY VIC

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 9, 2026



SHEET - VICE, KUMANTANG NA-STAR STRUCK KAY VIC-FB Vice Ganda

Photo: FB Vice Ganda



Ang galing talaga ng publicity slant ng Star Cinema dahil announcement pa lang na magsasama ang dalawang hosts na sina Vic Sotto at Vice Ganda sa isang pelikula ay isinagawa na ito sa isang mall kung saan marami ang nakasaksi.


At sa ginanap na announcement ng first four official entries ngayong 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) ay sinorpresa nina Bossing Vic at Vice ang lahat ng dumalo sa East Wing Atrium ng Greenhills Mall, San Juan City. 


Kaya naman talagang hiyawan ang mga tao, isama pa ang media, sa pagdalo ng dalawang main hosts ng Eat… Bulaga! (EB!) at It’s Showtime (IS). Dito pa lang ay winner na agad ang Star Cinema sa moviegoers para sa The Greatest Showdown (TGS) na kabilang din ang M-Zet Films, APT Entertainment at IdeaFirst Company sa mga producers at ididirek ni Jun Robles Lana.


Huling binanggit sa announcement ng MMFF 2026 ang TGS at dito na nga tinawag sa stage sina Vic at Vice pati na si Direk Jun, kaya naman nagkagulo ang mga fans at press people.


Mensahe ni Direk Jun Lana, “Maraming-maraming salamat po sa pagkakataong ‘to. Kasama uli kami sa selebrasyon ng pelikulang Pilipino ngayong Disyembre. Gagawin po namin ito para sa mga manonood. Gusto namin kayong mapasaya. Maraming salamat.”

Bati ni Vice, “What’s up, mga Dabarkads!? Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival at hinayaan n’yo ulit kami na makapagpasaya ng mga manonood sa araw ng Pasko.


“At sobrang excited po ang buong team namin dahil ito po talaga ang pinakahihintay naming ma-offer sa inyo, ang collaboration namin ni Bossing Vic Sotto.


“At ipinapangako po namin sa inyo na sa araw ng Pasko ay magbibigay talaga kami ng malalaking ngiti at halakhak sa buong pamilya ninyo. Pagtutulungan po namin ng buong team ng The Greatest Showdown. Maraming-maraming salamat.”


Bati naman ni Bossing Vic, “What’s up, madlang people?! Nasabi na lahat ni Vice, eh! Kaya... ang totoo n’yan, ninenerbiyos kami kanina. Nag-uusap kami. ‘Eh, ‘pag ‘di tayo natawag?!’ Nag-usap kami, magsa-shopping na lang kami at magmemeryenda ng burger.


“Ganunpaman, maraming-maraming salamat sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival. It’s good to be back. And I’m back with the Best Actor, top grosser. Vice Ganda. It is my honor and pleasure. Maraming-maraming salamat po. We’re very excited for this project at ito po’y handog namin sa lahat ng mga manonood ng pelikulang Pilipino. Maraming salamat po. Thank you!”


Aabangan kung magge-guest si Vic sa IS at si Vice naman sa EB! para sa promo ng pelikula nila.


“Malalaman n’yo! Darating tayo r’yan. Never naman kami nagkalaban, nagkatapat lang. Pero never nagkalaban. Isa lang naman ang gusto namin, mag-entertain ng tao,” sagot ni Bossing Vic.


Ayon kay Vice, “Nakakatuwa kasi even ang mga hosts ng parehong programs, sobrang willing sumuporta. Talagang full force kami rito ngayon.


“Talagang pasabog. Kahit ako naman, eh. Ang surreal nito for me. Itong nagkita kami for the first time last Sunday sa Gateway, pasabog talaga s’ya.


“Ako mismo, iba ang naramdaman ko. Nahiya ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Na-star struck ako, na-intimidate ako. Sabi ko, ang pasabog pala ng feeling!”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page