top of page
BIDA - ANGEL, NI-LIKE ANG PAG-UNFOLLOW DAW SA KANYA NI MARIEL AT KAY ANNE SA IG-FB Angel L

Magkasunod na lindol, yumanig sa Sarangani

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 days ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | July 19, 2026



Magkasunod na lindol, yumanig sa Saranggani

Photo: Phivolcs



Dalawang magkasunod na lindol ang yumanig sa Balut Island sa Sarangani nitong Sabado.


Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang unang lindol alas-12:12 ng hatinggabi sa lakas na 5.5 magnitude sa Balut Island.


Sinundan ito ng alas-10:23 ng umaga nitong Sabado sa lakas na 5.6 magnitude.

Ayon sa Phivolcs, ang dalawang lindol ay aftershocks mula sa 7.8 magnitude na tumama sa Sarangani noong Hunyo at sa lindol na naitala sa Davao Occidental na 6.5 magnitude.


Ang magkasunod na lindol ay naramdaman sa ilang lugar sa Mindanao, partikular sa General Santos City, South Cotabato, Sultan Kudarat, ar Davao Oriental, Davao del Sur, at Davao City.


Sinabi ng Phivolcs na walang naitalang pinsala sa magkasunod na lindol at walang inaasahang aftershocks.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page