Magkasamang naggo-grocery… SUE AT DOMINIC, LIVE-IN NA RAW
- BULGAR
- 21 hours ago
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 20, 20255
Photo: Dominic at Sue - Circulated / SS
Napanood namin ang tila first commercial na magkasama ang magdyowang Sue Ramirez at Dominic Roque para sa isang sikat na supermarket.
Ang sweet ng couple at holding hands kung holding hands talaga sila. In fact, mas sweet pa nga sila kesa kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na mga unang endorsers ng naturang big supermarket.
Naging advantage talaga ng isa't isa ang pagiging couple nila dahil tanggap ito ng publiko at walang kumokontra, ‘di tulad ng relasyong Dominic-Bea Alonzo noon na ang daming nagsasabing hindi sila bagay at ginagamit lang ng aktor ang aktres.
At dahil klik nga ang tambalang Sue at Dominic, nagkaroon pa sila ng endorsement.
Napaisip lang kami, totoo kayang nagli-live-in na sina Sue at Dominic?
Para kasi sila ang kuning endorser kasunod nina Sarah at Matteo na mag-asawa na, lalo pa't ang ganap nila ay naggo-grocery, tama ba kami sa iniisip namin na magkasama na sila sa bahay kaya magkasama na ring namimili?
Well, pareho naman nang may-edad ang dalawa at kung masaya naman sila, buhay nila ‘yan, ‘no?
Naglabas ng placards ng anak ni Aga…
MALL SHOW NI RABIN, BINASTOS NG FANS NI ANDRES
Ang bongga ng Viva Artists Agency breakout actor at GenZ heartthrob na si Rabin Angeles dahil siya lang naman ang first-ever Filipino brand ambassador ng sikat na Japanese resto sa ‘Pinas na Botejyu.
Sa ginanap na launching niya sa SM Manila last Tuesday (June 17), ang Rabin Loves Ramen, ang lakas ng tilian sa kanya ng mga bagets na kilalang-kilala at tagasubaybay ng Viva One's rom-com series na Ang Mutya ng Section E kung saan gumaganap doon si Rabin bilang si Yuri Hanamichi.
Talagang may mga dala pang tarpaulin at placards ang mga fans ni Rabin at for sure, pinaghandaan nila ang pagsuporta sa bagong endorsement nito.
At malamang, tiniyak nilang ‘wag nang maulit ang diumano'y pambabastos ng mga fans ni Andres Muhlach kay Rabin kung saan sa isang recent mall show daw ng huli ay may fans ni Andres ang naglabas ng mga placards ng anak ni Aga Muhlach kaya nainsulto ang Ja-Pinoy actor.
Naku, ha? Ngayon pa lang mukhang pinagsasabong na sina Andres at Rabin.
Well, patikimin na lang kaya ni Rabin si Andres at ang mga fans ng aktor ng kanyang paboritong Tonkatsu Ramen a.k.a. Rabin Ramen para everybody happy na lang?
Devah naman?
NAPABILIB din nina Asia’s Timeless Diva Dulce at Charity Diva Token Lizares ang lahat ng nanood ng kanilang Divas on Fire concert sa Teatrino, Greenhills last Friday dahil sa sobrang powerful ng boses nila na akala mo’y hindi namamaos kahit kuntodo birit pa.
Bigay na bigay sina Ms. Dulce at Tita Token at parang ang lalamunan namin ang sumakit sa sobrang birit nila sa duet ng kantang Paano, Kastilyong Buhangin at Tell Him.
Grabe ang version nila ng Barbra Streisand and Celine Dion song na Tell Him at puwede na ngang sila ang maging local version ng dalawang international singers.
Sabagay, hindi nakapagtataka na banat na banat ang kanilang mga boses dahil hindi naman sila napapahinga sa pagpe-perform at kahit nga charity show tulad ng Divas on Fire na ang beneficiary ay ang Servants of Mary, 101% performance pa rin ang ibinibigay nila.
We heard nga from Tita Token and Ms. Lovely Rivero na after Divas on Fire, may mga kasunod pa silang concert na ipo-producer under their G4 Productions kasama si Ms. Maritess Gutierrez at isa pang co-producer nila.
Anyway, congrats and looking forward sa marami pa nilang concerts this year.
Comments