Magkasama sa Japan... JULIA, MUKHANG 40-ANYOS NA, COCO BABY-FACED PA RIN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 21, 2022

May ipinost ang ex-PBB housemate na si Fumiya sa kanyang Facebook account na larawan nilang tatlo nina Coco Martin at Julia Montes na kuha sa Japan.
Ang caption ni Fumiya: "Long time no see po."
Siyempre pa, nabulabog na naman ang mga Marites sa larawan ng rumored celeb couple. (Ayaw pa rin kasing umamin ng dalawa.)
Ilan sa mga komento ng mga netizens…
"Julia looks really matured (ever since naman). Coco naman, baby-faced."
Aba, hindi na suot ng CocoJuls ang kani-kanilang sunglasses at napansin talaga ito ng mga Marites.
Samantala, may comment kay Julia na, "She looks 40ish in that pic."
Hmmm… hindi kaya naba-bother si Julia kapag sinasabihan siyang mukhang mas matured kesa kay Coco?





Comments