Magkasama sa Baguio nu'ng Holy Week… JM, INILANTAD NA SI DONNALYN
- BULGAR
- Apr 25, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | April 25, 2023

Open na si JM de Guzman sa kanyang feelings sa vlogger na si Donnalyn Bartolome at maging ang panliligaw niya rito.
Ipinost ni JM sa kanyang Instagram account ang larawan ni Donnalyn kung saan nakakagat-labi ito at parang batang naiiyak at sey nga ng ilang netizens, unflattering daw ang naturang larawan ng vlogger.
Samantala, ang iniwang komento naman ni JM sa larawan ni Donnalyn ay isang emoji na may red heart eyes at hindi lang 'yun, may pa-hashtag pa itong #crush.
Dahil para sa ilang netizens ay hindi raw maganda ang naging angle ng vlogger sa larawan na ipinost, inulan ang nasabing post ng mga negative comments, gaya na lang na hindi sila bagay ni Donnalyn at color blind daw si JM.
As if namang mapipigilan nila si JM na tumigil sa panliligaw sa dalaga. Siguro, ang mga nagko-comment sa hitsura ni Donnalyn ay hindi pa siya nakikita nang malapitan.
Na-interview namin ito na humarap nang walang make-up at nagpulbos lang yata, pero gandang-ganda ang grupo namin sa kanya.
Bukod sa maputi na si Donnalyn ay makinis pa ito. For sure, ang physical appearance ng vlogger ang unang nakapagpa-attract kay JM.
Naalala namin sa mediacon ng Adik sa 'Yo, hindi binanggit ni JM ang pangalan ni Donnalyn bilang kanyang inspirasyon at wish niyang maging girlfriend.
Pero tiyak namang mutual ang nararamdaman nina JM at Donnalyn dahil hindi naman siguro sasama ang vlogger kay JM sa Baguio noong Holy Week kung hindi, 'di ba?





Comments