top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magkamukha, pinagsasabong… KATHRYN, 'DI RAW FEEL KASAMA SI NADINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 27, 2023
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 27, 2023




Mukhang tuluy-tuloy na talaga at wala na ngang makakapigil sa pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at GMA-7.


Pagkatapos ng proyekto ng dalawang higanteng networks sa drama series na Unbreak My Heart na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Gabbi Garcia at Richard Yap, ito na nga at nakipagsanib-puwersa na rin ang iWantTFC sa Kapuso Network.


Hindi lang ang mga programa ng ABS-CBN ang mapapanood sa iWantTFC, kundi pati na rin ang mga Kapuso shows.


And now, usap-usapan sa Twitter ang pagsasama nina Kathryn Bernardo at Barbie Forteza sa isang period film at TV series.


Gagawin daw ang mga nabanggit na proyekto ngayong taon. Pero, sa susunod na taon pa mapapanood at ipapalabas ang mga ito.


Todo-react naman ang mga fans nina Kathryn at Barbie sa balitang ito. Hindi raw nila inaasahan ang pagsasama ng dalawang aktres sa dalawang proyekto.


Ang sey ng isang supporter, "It's confusing but I get it. Hahaha!"


Habang ang komento naman ng isa pang fan, "I'm excited!"


Samantala, may mga nagsa-suggest naman na pagsamahin din sa isang proyekto sina Kathryn at Nadine Lustre.


"Why not give us a Nadine and Kathryn movie?" ang suhestiyon ng tagahanga ng dalawang aktres.


Ito naman ang opinyon ng isang tila fan ni Nadine hinggil sa posibilidad na magkaroon ng proyekto ang dalawa, "Actually, game naman si Nadine to work with Kathryn. Parang si Kathryn lang yata ang cold ang treatment kay Nadine, since the love team pitting and resemblance issue days. Pero sana, mag-work sila in a project soon."


Sa kabilang banda, meron ding mga nagre-request na pagsamahin ulit sina Kathryn at Julia Montes sa isang serye, "Why not make a comeback teleserye with Julia Montes and Kathryn Bernardo naman, please? Sana mapili."


Bongga talaga ni Kathryn, 'noh?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page