Magkakasundo talaga… 3 BABAE SA BUHAY NI BOSSING VIC, NAGSAMA-SAMA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | March 18, 2022

Ang ganda lang pagmasdan na ang mga mahal na 'babae' sa buhay ni Bossing Vic Sotto ay nagsama-sama sa isang larawan.
Sa Instagram ng misis niyang si Pauleen Luna ay ibinahagi nito ang kanilang larawan nina Danica Pingris (anak ni Bossing Vic), Kristine (Hermosa, misis ni Oyo na eldest son ni Bossing), at Kathleen Hermosa (sister ni Kristine), kung saan ay nasa isang beach sila.
Ang caption ni Pauleen sa picture: "Today's episode of Kristine and friends."
Lucky si Bossing dahil ang tatlong babae sa buhay niya ay nagkakasundo.
Imagine, kahit ang laki ng agwat ng kanyang edad sa misis niyang si Pauleen, nakakasundo nito ang mga unang anak ni Bossing, plus ang manugang niyang si Kristine?
'Yun ay kahit na si Pauleen ang mas bata kesa kina Danica at Kristine, ha?





Comments