top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Magkakaalaman na sa Playoffs ng NBL/ WNBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 6, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | November 6, 2021





Aabot ng huling dalawang araw ng Chooks To Go National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup ngayong Sabado at Linggo sa Bren Z. Guiao Convention ng San Fernando, Pampanga bago matukoy kung sinu-sinong koponan ang papasok sa playoffs. Tanging ang punong abalang Pampanga Delta (7-1) ang tiyak na hawak ang numero unong puwesto subalit matinding sagupaan ang inaasahan para sa nalalabing limang upuan.


Kahit pasok na sa playoffs, mahalagang manalo ang DF Bulacan Republicans (5-3) sa Laguna Pistons (3-5) sa 4 p.m. Kailangang maputol ng Republicans ang dalawang sunod na talo sa Taguig Generals (90-97) at La Union PAOwer (92-110) at magkapag-asa na makuha ang 2nd place at tiket sa semis kasama ang Delta.


Sa kartadang 3-5, wala nang pag-asa ang Pistons kahit manalo at sasabayan ng pagwagi ng Muntinlupa Water Warriors (5-3) sa Quezon Barons (4-4) sa Linggo. Kung mananalo ang Barons ay sila na ang 6th place. Para makapasok ang Aces, kailangang matalo ang Quezon at Laguna upang magtabla sila ng Barons sa 4-5 at papasok sa bisa ng 93-92 tagumpay sa Barons noong Oktubre 31.


Aantabayanan naman ang unang laro ni Gilas Pilipinas Justine Baltazar para sa Delta vs. Generals ng 6 p.m. Gaya ng Republicans, nasa 5-3 din ang Generals at susubukang gulatin ang Pampanga para sa semis.


Sa Women’s National Basketball League (WNBL) 2021, layunin ng STAN Quezon Lady Spartan (1-5) ang 4th at last place sa semis laban sa perpektong Paranaque Lady Aces (6-0) sa 1:15 ng hapon.


Kung hindi papalarin, may isa pang pagkakataon na masungkit ng Lady Spartan ang puwesto sa semis kontra Lady Generals (4-3) sa Linggo simula 11:15 a.m. Wawakasan ang WNBL elimination round sa laro ng Lady Aces at Glutagence Glow Boosters (4-3) sa 1:15 p.m.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page