top of page
BIDA - XIAN, NIRESBAKAN ANG MGA NAGTATANGGOL KAY ALDEN_FB Xian Gaza & IG _aldenrichards02.

Magkaibang award, kuwestiyonable… MARICEL AT MARIS, ‘DI TIE SA FAMAS BEST ACTRESS

Writer: BULGAR
BULGAR
17 hours ago
3 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 29, 2026



SPECIAL - MARICEL AT MARIS, ‘DI TIE SA FAMAS BEST ACTRESS_IG _mariestellar & _officialmaricelsoriano

Photo: IG _mariestellar & _officialmaricelsoriano



FAMAS Best Actor na si McCoy de Leon!

Tuwang-tuwa ang bida ng pelikulang In Thy Name na siya ang itinanghal na Best Actor sa katatapos lang na 74th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) na ginanap sa Manila Hotel nu’ng Tuesday night.


Ito ang first Best Actor award ni McCoy mapa-pelikula o TV man. 

At take note, si Jericho Rosales lang naman ng pelikulang Quezon ang tinalo niya sa Best Actor category.


Pero sabagay, Best Actor din naman si Echo sa katatapos lang na 42nd PMPC Star Awards for Movies.


Marami ang na-touched kay McCoy sa kanyang acceptance speech nang i-dedicate niya sa anak nila ni Elisse Joson na si Feliz ang kanyang Best Actor trophy.


“Anak, Best Actor na si Daddy!” ang pagmamalaking sabi ni McCoy habang hawak ang kanyang trophy.


Ang In Thy Name rin ang itinanghal na Best Picture, habang ang direktor nitong si Cesar Soriano ang Best Director.


Samantala, hindi na naman natapos ang FAMAS na walang kontrobersiya, dahil ang mainit na pinag-uusapan at palaisipan ngayon sa mga showbiz insiders at mga netizens ay ang kaibahan ng “Best Actress” at “Actress of Distinction” award na kanilang ibinigay kina Diamond Star Maricel Soriano at Maris Racal respectively.


May mga nag-akala kasing “tie” sina Maricel (ng Meet, Greet, and Bye) at Maris (ng Sunshine) sa Best Actress award tulad sa katatapos lang na 42nd Star Awards for Movies ng PMPC. 


Pero naglabas ng statement ang FAMAS kahapon na ang basehan daw sa Best Actress award ni Maricel ay ang “body of work, sustained artistic excellence, versatility, and significant contributions” nito, habang ang Actress of Distinction ay “recognizes an artist whose singular, extraordinary performance in a particular film demonstrates exceptional artistic mastery.”


Malinaw ang layunin ng FAMAS na bigyang-parangal ang dalawang aktres sa magkaibang performance nila, pero hindi sinasang-ayunan ng ilan ang titulo ng award dahil parang ‘di nga naman akma.


Kung “body of work” pala ng Diamond Star ang pinagbasehan, bakit hindi Lifetime Achievement Award ang ibinigay sa kanya imbes na Best Actress?


Hay, naku! Ito ‘yung sinasabing malinaw pero magulo. Ewan!!! Hahaha!

Anyway, itinanghal ding Best Supporting Actress and Actor sina Karylle at Mon Confiado para naman sa Quezon.

Congrats to all the winners!





Successful na naman ang ginanap na Tiktok video competition ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ngayong taon.


Sa pangunguna nina FFCCCII President Victor Lim at Education Secretary Sonny Angara, well-attended ang ginanap na announcement ng winners sa “A Classroom for Every Dream” TikTok video competition last Saturday, Oct. 24, sa Luxent Hotel.


Second year na ng patimpalak na ito na ginagawa ng FFCCCII para ipakita ang 

impact na ginagawa ng organisasyon sa 65 taon nitong pagtulong sa mahihirap na komunidad sa Pilipinas.


Ipinakita sa mga Tiktok videos na napiling manalo ang magagandang nagawa ng FFCCCII, partikular na ang pagtatayo ng mga eskuwelahan sa iba’t ibang lugar sa bansa para maging daan sa pagtupad sa pangarap ng mga mag-aaral sa malalayong probinsiya.


In fact, mula nang simulan ng FFCCCII ang advocacy project nilang “Operation Barrio Schools”, umabot na pala sa 6,500 rural public school buildings nationwide ang nai-donate ng organisasyon.


Nakakaiyak nga ang mga Tiktok video na napiling manalo dahil ipinakita rito kung paanong nababago ang buhay ng ilan nating kababayan – lalo na ang mga kabataan at mag-aaral – dahil sa mga school buildings na ipinatayo ng FFCCCII.


Maiisip mo tuloy, paano na kung wala ang ganitong organisasyon na buong-pusong tumutulong sa ating bansa, paano at kailan pa kaya matutupad ng mga underprivileged nating kababayan ang kanilang mga pangarap?


Anyway, narito ang list of winners sa Tiktok video competition.

Category A — My BarrioSchool Journey

Major Awards

- 1st Place — ₱120,000: Jhon Henry Arquileta, Gapan City, Nueva Ecija

- 2nd Place — ₱80,000: Marielle Q. Badana, Tarlac

- 3rd Place — ₱50,000: Angelo I. Nirza, Palo, Leyte

- 3rd Place — ₱50,000: John Lloyd S. Paned, Banna, Ilocos Norte

Special Citation Awardees

- President’s Choice Award — ₱30,000: April Mae P. Tañares, Bacolod City, Negros Occidental

- Youth Leadership Award — ₱30,000: Jenny Celestial, Mandaue City

- Media Excellence Award — ₱30,000: John Vincent M. Leoncio, Pulilan, Bulacan

- Education Impact Award — ₱30,000: Achaia Shane L. Tan, Bacolod City, Negros Occidental

- Community Inspiration Award — ₱30,000: Mark Cafe, Tacloban

- Community Inspiration Award — ₱30,000: Michella H. Cendaña, Quezon

Category B — The BarrioSchools Story

Major Awards

- Professional Grand Award — ₱120,000: Ramil Carmona Salon Jr., Davao City

- Excellence in Storytelling — ₱80,000: Jindrich Queen Naomi N. Bernabe, Rizal

- Excellence in Production — ₱50,000: Mark Cedrick S. Capareda, Tagum City, Davao del Norte

- President’s Choice Award — ₱30,000: Sarah Mae Cabalhug, Cebu City

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page