Magka-live-in, na-trap sa sunog, dedo

by Jeff Tumbado @News | November 4, 2026

Photo: Sunog Brgy. E. Rodriguez, Quezon City - Brgy. Tumana 2023
Nasawi ang isang mag-live-in partner sa naganap na sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Brgy. E. Rodriguez, Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 2.
Nakilala ang mga biktima na isang 30-anyos na lalaki at ang kanyang 26-anyos na partner.
Ayon sa Quezon City Fire District, natagpuan ang bangkay ng lalaki at kanyang kinakasama sa loob ng comfort room ng inuupahan nilang bahay.
Nagsimula ang sunog bago mag alas-5 ng hapon at umabot sa ikaapat na alarma. Tuluyan itong naapula alas-10:50 ng gabi.
Tinatayang nasa 120 bahay ang nasunog at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments