top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Maging Sino Ka Man, ire-remake… SHARON, NAGBABALA KINA BARBIE AT DAVID

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 17, 2023




Mahalaga para kay Megastar Sharon Cuneta ang pelikulang Maging Sino Ka Man na pinagtambalan nila noon ni Robin Padilla. Mainit na tinanggap ng kanilang mga fans ang naturang movie at malaki ang kinita nito sa box office.


Nagmarka ang mga roles nila sa mga viewers. Marami ang aliw na aliw sa mga dialogues dito ni Robin at ang pagtawag niya ng “Ma’am” kay Sharon.


Sa dami ng pelikulang nagawa ni Megastar, pati na rin ang action star-senator, ang Maging Sino Ka Man ang isa sa mga pinaka-special at malapit sa kanilang mga puso.


Kaya naman, may bilin si Shawie kina Barbie Forteza at David Licauco ngayong gagawin nila ang TV adaptation ng Maging Sino Ka Man. Alagaan daw ng dalawa ang proyekto at ‘wag babaguhin ang original nitong istorya sa pelikula.


“Make your own mark and version of your characters,” ang advise ni Megastar sa dalawa.


Kering-keri ni Barbie ang role ni Sharon, pero tiyak na maninibago si David sa role ni Robin dahil rich kid siya, malayung-malayo sa porma at pagiging astig ng action star-senator.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page