Maging creative raw tulad nila… JOEY, MAY PATUTSADA NA NAMAN SA TAPE
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | August 13, 2023

May bagong cryptic post si Joey De Leon sa kanyang Instagram account tungkol sa creativity.
Ayon sa TV host, "Creativity is seeing something that does not exist already. We have been existent for 44 years! WALA BA KAYONG MGA MATA? Be creative!"
Espekulasyon ng mga netizens, ang TAPE, Inc. pa rin ang pinatutungkulan ng TV host sa kanyang post dahil nga sa agawan nila sa title ng Eat… Bulaga! kung saan mas pinaboran ng korte na ang mga Jalosjos ang gumamit ng title nito dahil sila ang nakapagpa-trademark.
Samantala, tahimik na sina Sen. Tito Sotto at Bossing Vic Sotto at wala namang mga patutsada pa laban sa Eat… Bulaga!.
Medyo tahimik na rin ang kampo ng mga Jalosjos pero inaabangan kung sasagot pa ba sila kay Joey.





Comments