top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Magic, nanggulat, Irving halahoy sa game winning shot

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 18, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 18, 2022



Tunay na bilog ang bola at ginulat ng kulelat na Orlando Magic ang numero unong Boston Celtics, 117-109, sa NBA kahapon sa TD Garden. Isinalba din ni Kyrie Irving ang Brooklyn Nets kontra sa Toronto Raptors, 119-116, at makalapit sa Celtics.


Lumamang ng maaga ang Boston, 17-7, subalit nagising ang Orlando at ibinaligtad ang timpla ng laro sa likod nina numero unong rookie Paolo Banchero at magkapatid na Moritz at Franz Wagner hanggang umabot ng 19 ang lamang ng Magic sa third quarter, 75-56. Sinamahan ang tatlo ni Markelle Fultz upang alagaan ang lamang sa 4th quarter patungo sa kanilang ika-limang sunod na panalo para sa kartadang 10-20.


Bumuhos ng 25 puntos si Kuya Moritz habang 19 si Franz at may dagdag 20 si Banchero.


Nanatili sa taas ng NBA ang Celtics sa 22-8 at nabitin ang huling pahabol nina Jayson Tatum na may 31 at Jaylen Brown na may 26 puntos.



Bumanat ng 3-points si Irving sabay sa huling busina at limang sunod na rin ang tagumpay ng Nets at kartadang 18-12 at pang-apat sa Eastern Conference. Nagtapos si Irving na may 15 ng 32 puntos sa 4th quarter sabay walis ng lahat ng kanilang nakatakdang apat na laban sa Raptors ngayong taon.


Kinuha ng Philadelphia 76ers ang pagkakataon at pinabagsak ang World Champion Golden State Warriors, 118-106, sa unang laro na wala si Stephen Curry na tinatayang mawawala ng ilang linggo bunga ng pilay na balikat. Hindi napigilan si Joel Embiid sa 34 puntos at 13 rebound at James Harden na may 27 puntos.


Pumulot ng tagumpay ang Los Angeles Lakers kontra Denver Nuggets, 126-108, sa likod ng 30 puntos ni LeBron James at triple double ni Russell Westbrook na 15 puntos, 11 rebound at 12 assist bilang reserba.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page