Maghihiwalay lang kapag ang aktres na ang umayaw… ECHO, NEVER BIBITAW KAY JANINE
- BULGAR

- May 6
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 6, 2026

Photo: File / IG @janinegutierrez
Halos magda-dalawang taon nang magkasintahan sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez. Inilantad na nila sa publiko ang real score sa status ng kanilang relasyon.
Marami ang nakapansin na malaki ang ibinata ni Echo nang maging GF niya ang aktres.
Halatang in love na in love siya sa dalaga ni Lotlot de Leon.
Napaka-protective raw ni Jericho kay Janine dahil todo-bantay at alalay kapag magkasama sila sa mga events.
Pero may mga bashers naman ang nagsasabing sa hiwalayan din daw mauuwi ang relasyon nina Janine at Jericho. Hindi raw kasi nagtatagal si Echo sa kanyang mga nakakarelasyon. Kahit na nga nagpakasal pa sila ni Kim Jones ay naghiwalay pa rin sila.
Gayunpaman, depensa ng mga fans ni Jericho, hindi raw magagawa ng aktor na iwanan si Janine dahil malapit siya sa mga magulang at kapatid ng GF. Maliban na lang kung si Janine na ang unang umayaw at bumitiw sa kanilang relasyon.
15 yrs. na sa showbiz, join pa rin sa Eat… Bulaga!
RYZZA MAE, ‘DI BINITAWAN NG TVJ
Sa murang edad pa lang, agad nang minahal ng publiko si Ryzza Mae Dizon matapos niyang magningning sa Little Miss Philippines ng Eat… Bulaga! (EB!).
Binigyan din siya ng sarili niyang show noon na produced ng TAPE Inc., ang The Ryzza Mae Show (TRMS).
Sa EB! na lumaki at nagdalaga si Ryzza Mae. At kahit hindi siya singer tulad ni Ice Seguerra, nahasa naman siyang maging host.
Alagang-alaga siya nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.
Noong gusto na siyang alisin ng TAPE, Inc. sa EB!, ipinaglaban siya ng TVJ, kaya kasama si Ryzza Mae nang lumipat ang show sa TV5 at regular siyang host.
At makalipas ang 15 taon, patuloy pa rin niyang pinapatunayan ang kanyang talino at likas na pagiging bibo.
Sa kabila ng kanyang busy schedule, nagtapos ng high school si Ryzza Mae. Nabili na rin niya ang kanyang dream car na isang brand new SUV o van mula sa kinita niya sa Eat… Bulaga!.
Nakatanggap ng umano’y indecent message ang aktres-vlogger na si Sachzna Laparan mula sa isang e-mail sender na nag-alok pa ng ‘brand new car’ kapalit ng dinner date.
Ayon sa kanyang ibinahaging screenshot, nakasaad ang mensahe na, “Dinner lang daw… Pero alam naman natin kung saan papunta ‘yan. Know your worth, don’t trade your dignity for anything temporary.”
Ibinahagi ng vlogger ang naturang karanasan bilang babala sa kanyang mga followers laban sa mga online messages na may kahina-hinalang motibo.
Giit niya, mahalagang kilalanin ang sariling halaga at huwag ipagpalit ang dignidad para sa pansamantalang bagay.
Umani naman ito ng suporta mula sa mga netizens, na pumuri sa kanyang tapang na i-expose at ipaalala ang kahalagahan ng self-worth sa social media.





Comments